Plan
“Morpheus? Morpheus?.”paulit ulit kong bigkas sa pangalan ni Lolo. Hindi niya raw 'yun tunay na pangalan. Parang codename kaya nga nagtataka ako kung bakit Morpheus eh.
“George, shut up!.” saway sa'kin ni Tim.
Sinimangutan ko naman siya. Nasa isang van kasi kaming apat nina Tim, Gray Wavin. Maghahating gabi na din, sobrang madilim na sa labas. Nagkwentuhan pa kasi sila tapos malaman laman nalang namin maghahatinggabi na, para tuloy kaming si Cinderella. Nagmamadali sa paguwi.
“Bakit ba? Eh, sa nalilito ako kung bakit Morpheus eh.” sagot ko kay Tim. Kinusot kusot naman ni Gray ang mata niya, tinanggal niya din ang salamin niya. Kanina pa siya nagbabasa eh.
“Morpheus is the greek god of dreams.” tila bored niyang sabi.
“AHAH! Kaya pala!.”
Napanguso ako. Kanina ko pa iniisip kung anong ibig sabihin ng name niya eh. So, God of dreams pala!
“PWEDE BA MANAHIMIK KA NA?!KANINA KA PA AH.” iretableng sigaw ni Wavin. Tinakpan ko naman 'yung tenga ko. Nakakabingi talaga siya, grabe.
“Eh, kung kanina niyo pa kaya sinabi! Edi sana-----.”
“Shut up, I'm trying to read. ” si gray na nagfocus uli sa pagbabasa.
“Inaantok na ako, George. Shhh.” ani Tim na papikit pikit na.
“Ikaw?!. ” baling ko kay Wavin.
Inisnaban niya lang ako. “AYOKONG MARINIG BOSES MO, PANGET!.”
Tatayo sana ako para sabunutan siya pero pinigil naman ako nina Tim and Gray, dinaganan nila 'yung binti ko! Ang bigat!!
“Ano ba! Kakalbuhin ko lang siya, kanina pa 'yan eh!.”
Nagpupumiglas ako pero ayaw talaga nila akong patayuin. They all 'shhhh' me pa. Tss. Inirapan ko nalang sila at saka pinikit ang mata.
Diba nga, yayamanin si Lolo? 'Yung van niya paikot ang upuan, kaya magkakaharap kaming apat. May mga tv pa sa loob. Akala mo talaga simple lang eh pero wapak pala! Maeenjoy ko sana kaso lang kaharap ko 'tong si Wavin. Kaya matulog na lang ako.
Anlayo layo pala ng pinuntahan namin. Almost one hour na kaming nagbabyahe eh, wala rin. Hayyss.
Kanina napagkwentuhan nila na dati palang pumupunta punta sina Archer, Zero, Tim, Wavin, Gray sa mansion nina Spade. Kaya kilala nila si Lolo dahil madalas din pala nila 'tong kalaro ng chess noon. Tapos nalaman ko rin na magkababata pala sina Wavin at Spade, kaya pala ganoon nalang ang pagiyak ni Wavin kanina kasi akala niya talaga namatay si Spade sa nangyari noong nakaraang taon.
Naguguluhan nga ako eh. Ano 'yung nangyari noon? Tuwing tinatanong ko palaging ansagot nilay ay 'secret', malalaman ko rin daw soon but not now. Oh, diba ang gulo? Hindi pa sabihin may pahorror pang nalalaman. -,-
“Nakatulog din.” rinig kong wika ni Tim.
Hindi pa kaya ako tulog! Gusto kong sabihin pero nagkunwari nalang akong tulog.
“So, we just need to convince our classmate na sumali sa'tin, right?. ” rinig ko namang sabi ni Gray.
Right! Ang goal kasi namin ngayon ay iconvince 'yung mga classmate namin para sumali sa class ni lolo. Kaso feel ko hindi ako makakaconvince ng kaklase, ayaw nila sa'kin eh. :<
“Don't tell them yet na buhay si Spade. Zero will be fucking mad fucking mad at him.”ani Wavin.
Bakit magagalit si Zero? Ganon ba talaga kasama ugali non at hindi nalang siya maging masaya na buhay si Spade?

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...