Tug-of-War
Dahan dahang naglakad ako palapit sa booth ng Class A, sana lang hindi ako mahuli. Nandito ako ngayon sa may likod ng booth nila. Hawak hawak ko 'yung paperbag na may lamang jacket ni Yvo. Isasauli ko na tutal nagagalit na din sina Wavin kapag nakikita 'yung jacket na 'to.
Buti nalang walang tao.
Ibinaba ko na 'yung paperbag sa may damuhan sa likod. Pagkalapag na pagkalapag ay lumakad din ako paalis. May mga nakasalubong akong ibang tagaClass A pero sure akong hindi nila ako makikilala. Beauty and brains kaya 'ko!
Nakabalot sa mukha ko 'yung jacket na bigay ni Timothy. Winter vibe ko ngayon dahil may nakapulupot din sa leeg ko.
Napangisi ako nang wala ngang makapansin sa akin. Ngayon pwede na akong bumalik nang matiwasay!
“Georgina."
Uh-oh. Akala ko lang pala.
Timatawag ako ni Yvo!
Hihinto ba 'ko? Pero teka! Ba't naman ako hihinto, hindi naman niya ako na ako 'to. Ayos!
Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad since hindi naman ako kilala.
“Georgina.”
Aisshh! Bahala ka diyan.
Mas binilisan ko ang paglalakad. Hindi sana ako hihinto pero biglang may humila nung nakabalabal sa ulo ko. Walang kahirap hirap na natanggal 'yun, naexpose tuloy 'yung mukha ko. Nakangiwing humarap ako kay Yvo.
“Bakit ba bigla bigla kang nanghihila diyan?!"
Hawak hawak niya 'yung jacket na inagaw niya sa'kin. Seryoso niya akong tinitingnan. Nakakaasar. Konti nalang makakaalis na ako eh.
“How rude of you. Is that how you thank people?"
Napalunok ako. Alam ko naman na mali ako, na kahit na bwisit ako dito kay Yvo dapat harap-harapan pa din akong magpasalamat sa kaniya. Kaso lang nakakatakot kasi, isa pa sasama sina Timothy kapag ganon ang ginawa ko. Tyak na magaaway na naman sila.
“Ay oo, s-salamat nga pala sa pagpapahiram mo sa'kin nung jacket. Inilagay ko na dun sa ano--."
“Did I ask you to put it there? You should've atleast give it to me personally if you really are thankful."
Napakamot ako sa ulo. Bakit ba ganito 'tong si Yvo. Kaura niya 'yung trio ng Class Z. Nakakailang tuloy.
“Kukunin ko.”
Nilampasan ko siya at saka kinuha 'yung paperbag, lumapit ako sa kaniya at saka inabot 'yun.
“Eto oh."
“… .”
Nakakangalay.
Wala man lang say 'tong lola mo este si Yvo. Nakatitig lang siya dun sa paperbag na hawak ko.
“Kunin mo na 'to, ngalay na kaya ako!" Nagreklamo na 'ko tutal wala siyang balak kunin 'yun.
Napataas ang kilay niya. Mukhang bwisit. Aba, totoo lang naman ang sinasabi ko.
“Nakapagisip isip na ako kanina." Biglang aniya na ikinakunot ng noo ko.
Tinatanong ko ba siya?
“Hindi naman kita tinanong." Kaswal kong sagot.
“I think that whoever the mastermind is, he is targetting you." Gumuhit ang mapangasar na ngiti sa kaniyang mukha.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...