Protector (Part two)
She's ours, let go of her.
She's ours, let go of her.
She's ours, let go------.
Teka.
“Nakadrugs ka ba?” hindi ko mapigilang hindi itanong kay Zero. Anong sinasabi nyang 'she's ours'? Kelan pa ako naging kanila? Atsaka hindi naman nila ako kelangang iligtas, ang iligtas nalang nila ay sina Corine.
Walang pagbabago sa expression ni Zero, masama parin ang tingin nya sa mga lalaking 'to. Samantalang 'yung ibang Class Z feel na feel ang pagiging basagulero, talagang pinapatunog pa 'yung mga hawak nila.
“George naman..” si Tim ang sumagot sa tanong ko, nagkakamot sya ng ulo na parang problemadong problemado.
“Anong George naman? Ano ba kasing pinagsasasabi nyo?”
Hindi ko sila magets. Ang plastik nila.
“ILILIGTAS KA NGA NAMIN EH, TUMAHIMIK KA NALANG GEORGE!”
Aba, teka.
“Wait nga lang, bitawan mo muna ako pwede?" Iritang sabi ko dun sa may hawak sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin kaya siguro natakot at binitawan ako. Buti nalang akala ko sasabay siya, kundi lagot sya sa'kin.
“Sinabi ko bang iligtas nyo ko? Hindi naman ah!”
“Ang arte mo naman girl, just be glad that they came!" Sigaw ni Mindy. Inirapan ko naman siya. Napacross arms nalang din ako.
Bakit naman ako matutuwa na sinave ako? E sure naman na hindi nila intensyong isave ako. Sabit lang naman ako dito eh.
“Just shut up." Biglang singit ni Zedrick.
Inirapan ko naman siya. Ako pa ngayon 'yung masama kainis.
“Ano 'to? Dramarama sa umaga? Pfft, joke ba 'to?" Biglang singit nung isang lalaking kalaban ng Class Z.
“'Yung mukha mo lang 'yung joke.” sagot ni August.
“HAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!"
“Nice one, pre!”
“BOOOOOOOOOOOOO, JOKE IS YOUR FACE!”
Napafacepalm ako. Hindi ko malaman kung matatawa ba ako o ano. Nangasar pa talaga 'yung Class Z, tawang tawa sila. Pinapangunahan nina Tim at Wavin. Si Zero, Archer at Gray lang ang hindi tumawa. Nakapoker face parin sila. Sila 'yung trio ng Class Z eh.
“Siraulo kayo ah! Boss, laban na!” sigaw nung lalaking pinagtawanan ng Class Z, nanggigigil na sya. Gustong gusto nang sumugod.
“Not yet." Sagot nung boss daw. Hindi katulad ng iba, hindi malaki ang katawan nya. Mukha syang oppa, well hindi naman maipagkakaila na gwapo siya eh. Kaso andaming tattoo.
Lumapit siya sa sa'kin at saka ako inakbayan. Ngumisi pa siya sabay lapit ng mukha sa'kin, medyo yumuko pa sya.
“You're Georgina, right? I'm Rin, from Class B.”
Rin from Class B? Bakit sya nagpapakilala sa'kin?
“Bitiwan mo nga sya.” biglang singit ni… Kin?
Hindi naman ako binitiwan ng nagpakilalang Rin daw, mas lalo nya pa akong inilapit sa kanya. Humigpit din ang kapit nya sa balikat ko. Nakakasakit na 'to ah!
“Ano bang gusto nyo? Ganyan na ba kayo kahina? Nagtatago kayo sa palda ng babae.” mayabang na sabi ni Warren.
“Aba't, loko ka ah! Susugudin ko na talaga 'to, boss!"

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...