Marriage Booth
“Waaahh!”
Ang ingay! Ano kayang pinagkakaguluhan nila?
Sumiksik ako sa kumpulan ng estudyante. May nagagalit pa sa'kin, walang humpay na sorry tuloy ako.
“KYAAAHH! KISSS!"
Ay. —_—
Akala ko kung ano na. 'Yung booth pala ng Class A, marriage Booth. Jusme, andaming tuwang tuwa. Tuwang tuwa sila hindi naman gumagana 'yung fake marriage na 'yan, minsan depende pa. Kahit pa ikasal ka sa crush mo o sa boyfriend mo, hindi naman nun map-predict 'yung future.
Sayang pinunta ko dito. Makaalis na nga.
Napailing ako nang makitang nagkiss sa lips 'yung couple, siguro magjowa sila kaya ganon.
Eeeeh. “Padaan po."
“Daan ng daan!" Reklamo nung isa. Napangiwi ako pero agad ding ngumiti.
“Sorry, makakalabas na ako. Konti nalang."
Inismiran pa ako. Hanep. Tss, Boring kaya nung pinapanood Nila. Napapagpag ako sa damit pagkalabas sa kumpol ng tao. Yung isa kasi naglalagay ng harina kanina, nadamay pa 'ko.
Tss, saan na kaya sina Timothy?
Katatapos ko lang maglinis, hindi pa ba sila tapos?
Kahapon kasi nung nadetention ako pinarusahan din pala ang Class Z, pinacancel 'yung booth namin tapos inatasan pa kaming maglinis tuwing hapon at umaga habang may event. Sayang 'yung booth buti nalang nabenta 'yung mga gawa namin. Medyo nabalik naman 'yung effort namin kahit papaano.
Speaking of effort, tinodo na ata nina Timothy ang paglilinis. Hindi ko na makita, nasa ibang dimensyon na ata.
Palinga linga ako pero walang makitang Egg Warriors, saan na kaya sila?
“George girl!”
Si Nadya 'yun.
Nilingon ko siya at tama nga ako. Nagtatatakbo si Nadya palapit sa akin, kasama niya sina Corine na pawang naglalakad lang. May dala dala silang paperbags na hindi ko alam kung para saan.
“Uy, ano?”
Nameywang pa siya pagkaratIng. “Come with us."
Huh? “Bakit?”
“Basta!"
Nudaw'yon? Ayaw sabihin. “Pero baka kasi hanapin ako nina--.”
“Hindi 'yan, tara na.” wika ni Nadya na may kasama pang pag-irap.
Napangiwi ako at saka sumama sa kanila. Huwag lang talagang kalokohan, panotin ko sila.
Ano namang ginagawa namin dito sa building namin?
Dumiresto kamo sa building namin paakyat sa may CR, hindi nalang ako nagsalita pero naguguluhan na ako talaga. Busy din kasi sila sa pag-uusap. Masabihan na naman akong epal.
“Oh, here."
Maang na napatingin ako kay Nadya nang iabot niya sa akin 'yung isang paperbags. Ngayon ko lang napansin na dalawa pala ang dala niya.
“Anong gagawin ko dito?”
Sinilip ko 'yung laman, may puting tela akong nakikota. Aanhin kaya 'to?
“Kainin mo, dzuh.” - Corine.
Nambara pa, psh.
“Eh? Nakakain 'to?"

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...