Mystery Girl
“Oh, bilis na bago pa lumamig '."
Iniabot ko kay Zero ang mangkok na may lamang soup.
Niluto ko yun sa kaniya kasi nagrequest siya. Sa kasamaang palad, nakapagluto naman ako sa tulong ng youtube. Buti nalang talaga may nasesearch-an na ng recipe, may mga tutorial kung hindi baka pinaginstant noodles ko nalang 'tong impakto na 'to.
Matiim na tinitigan niya ang mangkok na inaabot ko. Nakahiga siya sa kama niya at balot na balot ng kumot. Ayoko sanang maniwala na may sakit siya kaso lang nagaapoy nga siya ng lagnat. Ang init ng katawan niya.
“Bilis na, lalamig na 'to."
Nakatitig lang talaga siya. Napatikhim ako, napatingin siya sa'kin dahil don.
“Dali na. Hindi ka gagaling kung hindi ka kakain at hindi din 'to mauubos kung tititigan mo lang."
Pambihira. Walang sagot! Alugin ko kaya 'to para magising sa katotohanan?
“Kung alam ko lang na tititigan mo lang 'tong niluto ko sana nakipagtitigan nalang din ako sa kaldero."
Makahalata ka, please! Nangangalay na 'ko, oh. Tch. Hindi talaga umaalis don sa pwesto niya. Nakabalot pa rin siya ng kumot. Mukha niya na nga lang ang nakikita ko.
“Why are they here?" Aniya na may pagturo pa sa may likuran. Agad akong napaharap don.
“Ah, sila?" Itinuro ko pa sina Tim, Wavin at Kuya Gio na sumama din sa akin papunta dito. “Babantayan ka daw nila."
“Babantayan?"
Tumango tango ako.
“Oo, kasi diba may sakit ka. Ang bait nga nila e, babantayan ka. Kaya magthank you ka mamaya ha."
Pati si kuya ay sumama papunta dito sa apartment nina Zero. Kanina nakikipagtalo siya sa'kin, he was telling me not to go nung sinabi ko sa kaniya na gusto ni Zero na maging 'nurse' niya ako. Ayaw na ayaw niya kanina bakit naman kaya pumayag at sinabi niya pa sa'kin na magbabantay din siya! Oh, diba ang bait ni kuya bigla.
Kung hindi lang ako nag-guilty hindi ko gagawin 'to. Pero dahil may bait pa namang natitira sa katawan ko kaya eto ako ngayon.
“Hindi ko sila kelangan dito. Tell them to leave." Maawtoridad na wika ni Zero.
“Teka lang! Bahay mo 'to, Pres? Apartment din namin 'to no!" Reklamo ni Timothy.
“MAWALANG GALANG NA SA'YO PRES PERO NANDITO NA KAMI, HUWAG MO NAMAN KAMING PAALISIN!" Pagalma din ni Wavin.
“I don't care just leave my room. NOW." Sagot uli ni Zero. “All of you."
Napapadyak sina Tim at Wavin dahil don. Napatayo naman ako. All of you daw, edi pati ako dapat umalis. Ayos! Libre na, hehe.
Akmang maglalakad na ako paalis nang hawakan ni Zero ang braso ko. Naguguluhang tiningnan ko siya.
“Why are you aalis?" Ay conyo? “You're my nurse, don't leave."
Eeeeeee?
“Sabi mo All of you? Adik ka ba?"
“I'm pertaining to them not you." Suplado niyang wika. Nagawa pang magsuplado may lagnat na nga. Gulo nitong kausap.
Naparoll eyes ako. Magsasalita na sana ako nang maramdaman kong may humawak sa kabilang braso ko.
“Bitawan mo ang kapatid ko. Kung aalis ako kasama siya."

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...