抖阴社区

Chapter 124

129 4 0
                                    

P.E. Time!

“Bakit naman hindi mo sinabi sa amin na may babaeng itim na palang nananakot sa'yo?"

Nahihilo na 'ko sa kaniya. Paikot ikot siya kanina pa.

“ATSAKA HOY! ALAM MO BA NA MAY KILALA AKONG SA MENTAL NAGTATRABAHO? PWEDE KO SIYANG IPASOK DUN!"

“Sasabihin ko naman----ARAY! PUNYETANGINAMS NAMAN!"

Diinan ba naman 'yung panggagamot sa sugat sa bandang bibig ko? Hayuffs talaga 'tong si Timothy walang awa.

“MASAKIT!"

Hindi pa din tinitigilan. Langya. Ano gusto niyang lumala?

“Bagay 'yan sa'yo! Tigas kasi ng bungo mo. Hindi ka nakikinig." Imbyernang sagot sa akin ni Timothy.

“Nakikinig naman ako." Nakangiwi kong sagot.

Totoo namang nakikinig ako. Hindi naman ako bingi. Sasabihin ko din naman naghahanap lang ako ng tyempo.

“KUNG HINDI PA NANGYARI SA'YO YAN, HINDI PA NAMIN MALALAMAN! NATURINGAN PA NAMAN KAMING KAIBIGAN MO TAPOS GANYAN KA?!"

Pinameywangan ako ni Wavin. Inis na inis 'yung itsura niya. Nung nalaman nila na nasapak ako, tatakbo na sila dito sa clinic.

“Sorry. ARAY KO NAMAN!"

Pinagdidiinan talaga 'yunt bulak. Buset na Timothy 'to.

“Ahh, ako na." Pagsingit nung nurse na kanina pa nakatingin sa amin. I helplessly look at her. Agawin mo na ate, please!

Pinilit niyang agawin pero matigas ulo ni Timothy.

“Hindi na, Ms. I can manage."

“Pero…"

“AY DUN KA NALANG SA LABAS, MISS. TAWAGIN KA NALANG NAMIN KAPAG OKAY NA!"

—_—

Pinalayas yung nurse. Langya talaga.

Nakasimangot na nag-iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. Yung mga tingin nila sinasabi nila na 'Ayan, katangahan mo kasi'. Hindi sila nagsasalita pero alam kong nanlalait sila. Paano pa kaya kung magsalita na sila?

Nagtikhim si Wavin.

“MAY SASABIHIN KA BA?!"

Pasimpleng sinulyapan ko sila. Napanguso ako. “Baka magalit kayo e."

“Hindi." Sagot ni Timothy na nakacross arms.

Napalunok ako. Sabihin ko ba? Pero kasi baka magalit.

“Baka magalit nga kasi kayo…"

Ang sakit ng panga ko. Ang lakas sumampal nung babae.

“HINDI NGA!" Si Wavin naman ang sumagot.

“Weh? Magagalit kayo e."

“Sabing hindi!"

Maang na tinaasan ko sila ng kilay. Hindi pa sila nagagalit niyan?

“Galit kayo e."

“ANG KULIT MO SABING HINDI NGA KAMI MAGAGALIT! SABIHIN MO NA SASABIHIN MO!" Sabay nilang sigaw. Napapikit ako.

Akala ko ba hindi sila magagalit? Huhu.

“Ano? Magsasalita ka o hindi ka namin papansinin ng isang oras?"

Pinakatitigan nila ako. Napakagat labi ako bago napabuntong hininga.

“Ganito kasi 'yun." Umayos ako ng pagkakaupo. “Naalala niyo 'yung babaeng nambato sa akin noong encounter natin sa mga masked students?"

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon