抖阴社区

Chapter 112

126 5 4
                                    

Only Hope

"I know you're shock of what I've done. But this is me proving that I'm really serious to you. Na hindi ko lang gawa gawa 'tong nararamdaman ko, totoo 'to.."

Sheteng malunggay. Napalunok ako. Ano bang kinain niya?

"...so right now, I'm asking you once again. Will you accept this flower as a sign of my love to you?" Aniya kasabay ng pagabot ng bulaklak sa akin.

L-love?

Dumagundong 'yung puso ko. Kumakabog. Kinabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Nakakapagtaka? Bakit ako kinakabahan gayong walang naman akong nararamdaman sa kaniya?

Wala akong nararamdaman sa kanya. Hindi ko siya gusto, mas lalong hindi ko siya mahal. Hindi rin kami magkaibigan. Siguro kinakabahan ako dahil alam kong makakasakit na naman ako. Mababasted ko na naman siya at 'yon ang nakakatakot.

Ang piliing manakit ng isang tao kahit hindi mo gusto.

Nakakabinging sigawan. Nakakahilo. May nambabato pa sa'kin na kung ano. Natatamaaan na ako pero hindi ko iniinda.

Sa paanong paraan ko tatanggihan ang confession niya? Alam kong rude pero eto ang tama.

“Georgina, will you accept this flowers as a sign of my love to you?" Nangingiti pang aniya.

Biglang natahimik ang crowd. Ngayon ang naririnig ko nalang ay ang ingay ng Class Z.

“HUWAGGG!"

“Zero, buti dumating ka. Si George natin oh!"

Zero?

Agad na hinanap ng mata ko si Zero. Sa sandaling tingnan ko sila ay nagtama ang paningin naming dalawa. He was looking at me seriously. May disappointment subalit blangko ang expression ng mukha niya. Akala niya ata ay hindi ko mahahalata.

Kaya pala hindi ko siya nakita kanina nung umakyat ako.

“Georgina?”

Napalingon akong muli kay Tristan bago niya mas ihinaba pa ang kamay para iabot sa akin ang bulaklak. Napatitig ako doon.

Ang gandang bulaklak.

Sunod kong tiningnan si Tristan. Napabuntong hininga ako. Halatang umaasa siya. Nakakalungkot lang.

“ANOOOO NA?!" Sigawan ng crowd.

Kasabay ng paghakbang sa'kin ni Tristan palapit pa ay ang dahan dahan kong pag-iling. I look at him with a serious yet sad expression. Ilang beses pa akong umiling sa kaniya dahilan para unti-unting bumalot ang lungkot sa mukha niya. Napatigil din siya sa paglapit sa akin.

“WAAAAAAH! BUTI NALANG!" - class z

Tuwang tuwa sila pero may ibang nagagalit sa akin. They were questioning my decision. Pinapamukha nila sa'king mali 'yung naging desisyon ko. At ako 'yung dahilan kung bakit malungkot si Tristan ngayon.

Alam ko naman. That's why I feel sorry to him.

“M-masakit siguro 'yung k-kamay niya kaya hindi niya matanggap." He jokingly said as he fake a laugh. Nanginginig ang boses niya. Dahan dahan niya ring itinago 'yung bulaklak sa likuran niya.

Naaawa ako sa kaniya. I mouthed 'sorry' at him pero ngumiti lang siya. He shook his head.

“It's okay. This is life." Aniya habang nakayuko. Hindi na siya makatingin sa'kin ngayon. Naguilty tuloy ako kahit hindi naman dapat.

Ilang minuto na ang lumipas. Nakatayo pa rin ako sa harapan niya.

“You rejected me…again." Tila natatauhang aniya. Ngayon pa lang ata nagsink in as utak niya na binasted ko siya. Napayuko ako.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon