Rule
Hindi ako galing sa mayamang pamilya, mahirap lang kami. Sumasideline sideline lang si Mama noon, kung saan pwedeng pasukan.Elementary pa lang ako at Highschool naman si Kuya Gio nang magpaalam sa amin si Mama para magtrabaho abroad. Iniwan niya kami kay Lola bago umalis. Sa Hong Kong siya nagtrabaho, buwan buwan ay nagpapadala siya ng pera sa amin. Nagsusumikap para matustusan ang pangangailangan naming magkapatid.
Hanggang sa bigla nalang hindi siya nagparamdam, walang padala, walang sulat, wala ring tawag. Miss na miss ko siya, gustong gusto kong marinig ang boses niya. Marinig na tinatawag niya ako sa pangalan ko. Umaasa ako na isang araw ay magpaparamdam ulit si Mama pero walang nagparamdam. Hanggang sa nalaman na lang namin na tumawag pala kina Tito si Mama, humihingi ng tulong. Pero hindi nila tinulungan, hindi nila pinakinggan.
Minamaltrato na pala siya ng boss niya. Ang sakit, Ang sakit lang na sa iba ko pa malalaman na ganon ang nangyari sa kaniya. Hindi ko rin alam kung bakit sa ilang taon ni Mama don sa pinagtatrabahuhan niya ay ngayon pa siya sinaktan. Bakit? Hindi niya deserve. Hindi niya deserve saktan ng kung sino man. Ang bait bait ng Mama ko eh, palagi niya lang iniisip ang makakabuti sa'min ni Kuya. Pero bakit kelangan siyang mawala agad? Gusto lang naman niyang umasenso kami eh, masama na ba 'yon? Nakatanggap kami ng balita na dahil sa labis na pambubugbog kay Mama ay nawala nga siya. Sobrang iyak ko non. Hindi ko kaya. Paano nalang kami ngayong wala siya?
Ansakit. Sobrang sakit pa rin pala hanggang ngayon. Kung nakinig lang sana sina Tito sa kaniya sana buhay pa siya. Ang mas masakit pa ay hindi man lang nakulong 'yung nagmaltrato sa mama ko.
“Are you okay?.”
Agad kong pinahid ang luha na tuloy tuloy na bumabagsak. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Jusko, kaya ayaw kong mapupunta ang usapan sa magulang eh. Naalala ko si Mama.
“A-ayos lang ako.” pasinghot singhot kong sagot.
Kanina ay siya ang umiiyak, hindi ko alam kung bakit biglang ako na ngayon. Bumalik kasi lahat eh. Masakit pa rin pala.
“Tch, punasan mo nga 'yang luha at sipon mo."
Ramdam ko nga pati uhog ko ay natulo na. Teka, wala akong panyo. Kinapa kapa ko ang short ko pero wala talaga akong panyo na nakita. Malas ha.
“W-wala akong p-panyo..”
“Oh.”
Inabot niya sa akin ang panyo niya na kulay itim, takang tiningnan ko naman siya. Talaga bang pinapahiram niya sa'kin?
“Ayaw mo?.” akmang ilalagay niya ulit sa bulsa pero dinampot ko na 'to. Agad kong pinunasan ang mga luha ko, tiningnan ko siya saglit na seryosong nakatingin sa'kin bago siningahan sa harap niya 'yung panyo.
“Shit! Paborito kong panyo 'yan! Sinabi ko bang singahan mo, ha?.” napapikit ako. Galit na naman siya. Nakangiwing tiningnan ko siya.
“S-sorry, oh.”
Iaabot ko na sana 'yung panyo pero iniwasan niya 'to. Tch, arte!
“Sa'yo na 'yan. May sipon mo na eh.”
Napanguso naman ako. Sino ba naman kasing nagmamatigas diyan? Sabi na kasing makinig siya sa Mama niya, naiyak tuloy ako!
“Bakit ba bigla ka nalang pumalahaw na parang bata diyan? The last time I know ako 'tong may problema ba't umiiyak ka diyan?.” aniya.
Napakamot ako sa ulo ko.
“Wala, wala 'yon!.”
Bakit ba feeling close siya ngayon? Kanina lang kung ipagtabuyan niya ako't sabihan na pakialamera ay inam ah. Nagiba ata ihip ng hangin.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...