抖阴社区

Chapter 30

181 7 2
                                    

Leader

“Hindi ko pwedeng ipaalam sa'yo.” pagmamatigas niya, mukha ring kinakabahan siya sa hindi ko malamang dahilan.

Ano bang nakakakaba? Tinatanong ko lang naman kung sino si Yvo. Kasi the last time I remember, si Kin 'yung isa pang may kilala kay Yvo. Siya 'yung binubully dahil sa babae na hindi niya naprotektahan.

“Bakit ba ayaw mong ipaalam sa'kin?.”

Kung tutuusin ay ang dali dali lang naman magkwento, ang dali lang sagutin ang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit siya nagaalinlangan. Kung may mapagtatanungan lang sana akong iba ay hindi ko sana siya ginugulo.

“Tigilan mo ako, pwede? Kahit anong pilit mo sa'kin ay hindi ko sasabihin sa'yo. Final na 'yun kaya huwag kang makulit!.” akmang iiwanan niya ako dito sa kusina pero pinigil ko siya.

“Kaya ba ayaw mong sabihin sa'kin ay dahil natatakot ka kay Zero?.” kita ko ang pagbabago ng expression ng mukha niya.

“Ayos ka lang ba? Ayos ka lang na sunod sunuran nalang sa kaniya? Wala ka bang katawan? Wala ka bang sariling desisyon? Bakit kelangan mo siyang sundin? Bakit kelangan mo siyang ituring na parang hari?.”

Kasi mula nang dumating ako dito sa Class 4-Z, ang palagi kong nakikita ay kung paano maghariharian 'yang Zero na 'yun. Kelangan palaging kinokonsulta muna kay Zero bago magdesisyon, kelangan laging sinusunod si Zero. Zero is their king, their leader. At naiinis ako sa ganoong kinagisnan nila.

“Wala kang pakealam. Tigilan mo 'ko.” sa tono ng pananalita niya ay halatang naiinis na siya sa'kin.

“Totoo no? Wala kang sariling desisyon! Duwag ka, umaasa palagi sa kanila. Nakadepende kina Zero kahit na ano man ang gawin. Hah! Kelan niyo kaya matutuunan na tumayo sa sarili niyong mga paa?.”

“Sinabi ng tigilan mo 'ko eh!.” nilampasan niya ako, may balak ata siyang lumabas. Sinundan ko siya.

“Sagutin mo na kasi ang tanong ko!.”

Sinundan ko lang siya ng sinundan kung saan man siya magpunta. Pinagtitinginan na kami ng ibang niyang kaklase. Ang iba pa nga'y nagtataka. Nadaanan namin sina Corine na nasa may salas. Awtomatikong inirapan nila ako kaya inirapan ko din sila. Si Nadya lang ang hindi ako sinungitan, diba nga nagfc siya sakin.

“Omg, iba naman target niya.”

“Nang umulan ng kalandian sinalo ni Georgina lahat.”

“HAHAHAHAHAHA, disgusting.”

Disgusting shit sila. Hindi ko sila papatulan dahil may ginagawa pa ako, hintayin lang nila may karma din sila. Pero teka, iniiwan na ako ni Kin. Bilis maglakad ng itlog na 'to.

“Tumawag sa'kin si Yvo sa'kin. Pinagbabantaan kayo. Hindi pa raw kayo tapos.”

“I said I don't care.”

Mas binilisan niya pa ang paglalakad para hindi ko siya maabutan. Sinundan ko parin siya pero ang walanghiya bigla nalang nagkulong sa kwarto niya. Psh. Kanino ako ngayon magtatanong? Grabe naman ang takot ni Kin kay Zero, siguro binubugbog siya ni Zero kaya ganon. Psh, ano pa nga bang aasahan don, sama ng ugali.

-------------------------------------

“Hoy, talaga bang hindi niyo sasabihin sa akin 'yung history nung kay Yvo ?.”

Umiwas lang ng tingin sa'kin sina Wavin, Tim at Gray. Talagang ayaw nilang sabihin sa'kin. Last day na ngayon e, wala parin akong nalalaman tungkol sa history nung Yvo. Si Kin naman nagalit ata sa'kin, hindi ako pinapansin. Palaging galit at masungit, magtatanong palang ako sinisigawan agad ako. Psh, takot na takot talaga ata kay Zero. Idagdag pa etong tatlo na 'to.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon