Hunting Time
Nakatitig lang ako sa blankong papel na hawak ko. Hanggang ngayon ay wala paring nakalagay na pangalan. Wala kasi akong matyempuhan na nagsasalita ng Ingles. Naku, kelangan kong makapuntos!
“George! George!.”
Nakita ko si Tim na tumatakbong palapit sa akin. Ngiting ngiti pa siya, masaya siguro buhay neto.
“Oh?.”
“Ano ngang ingles ng pusa? Nalimutan ko eh.”
Jusko, bobo neto ni Tim.
“Edi, C----INAMO!.” binatukan ko si Tim na tawang tawa.
Muntik na! Muntik ko na siyang mabigyan ng puntos. Buti na lang hindi ko nasabi. Wala pa nga akong puntos tapos bibigyan ko pa siya, ulol.
“HAHAHAHAHA sige na, edi ano nalang ingles ng malaki ang b---.”
Agad kong tinakpan ang bunganga niya. Pinandilatan ko din siya. “Subukan mo lang talagang ituloy!.”
Dzuh, kakalinis ko lang ng tenga huwag niyang dumihan. Nabubuset na ko sa kaniya puro nalang kababuyan lumalabas sa bunganga. Ikukulong ko na talaga siya sa hawla.
“Hindi mo pa nga naririnig eh!.”
“Punyeta ka!.”
“Lolo si George po nagmumura!.” may pagsumbong pa 'tong si Tim.
“Tse!."
Umupo ako sa may upuan na nakita ko, nasa loob pala kami ng Classroom ngayon. Tapos na kumain. Magstart daw ang klase mayang ala una eh. Kokonti pa lang ang tao dito, mga tatlo lang. Sina Peter, August at saka si Zedrick. Naalala ko na naman tuloy si August, nagusap na kaya sila ng Mama niya? Pinakinggan na kaya niya?
“Isa kang magandang dalag!
Na nahuli ko sa aking paglalayag!… .”Sinamaan ko ng tingin si Tim na bigla nalang tumula.
“Ang panget ng tula mo, alam mo 'yun?.”
Nginisian niya lang ako. “Atleast, gwapo ako.”
Nanlaki ang mata ko. WAHAHAHAAHAH!
“Halaaaaa, puntos! Puntos!.”
Yey! May puntos na ako. Napatalon pa ako sa tuwa. Hindi na ako uuwing luhaan! Wohooooo, magdiwang! Tinuro turo ko pa si Tim na masama ang mukha, napapakamot pa sa ulo. Pfft, HAHAHAAHA boom panes!
“Andaya mo naman, George!.”
“Sisihin mo pa ako, ako ba ang nagsalita?.”
Padabog na umupo naman siya. Nginitian ko siya ng pagkatamis tamis para asarin. Sinilip ko na din ang papel niya na may limang pangalan nang nakalagay. Sanaol nalang!
“Diyan ka lang, maghahanap pa ako.”
Iniwan ko si Tim doon at saka lumapit sa tatlo. Malumanay na naguusap sina Peter, August at Zedrick. Medyo lumapit pa ako ng konti. Baka makasagap ako ng blessing!
“Masama ang pakiramdam mo?.” rinig kong tanong ni Zedrick kay Peter.
Naalala ko si Peter 'yung laging sakitin. Siya din 'yung nahimatay don sa garden, muntik ko nang makalimutan. Bihira na lang kasi siyang sumulpot sa harap ko eh.
“Oo pero gagaling din ako.” sagot ni Peter.
“Uminom ka ba ng gamot?." Tanong naman ni August.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...