Detention Room
“Aray, teka nga lang!” pilit na binabawi ko 'yung kamay ko sa may hawak sa'kin. Ayaw bitawan ang braso ko, putek. “Hindi naman ako tatakbo no! Tsaka nasa harap na kaya tayo ng Detention room."
Nakakainis.
Nung sinabi ni Mrs. De Villa kanina na idedetent kamo, biglang may dalawang lalaki na nagescort samin papunta dito. Good for Zero dahil nakasunod lang 'yung lalaking isa sa kanya, natakot ata nung tiningnan nya. E etong lalaking 'to may pahawak hawak pa sa braso ko. Para akong kriminal kung ituring nakakagigil.
“Ang kulit mo!” singhal nya sa'kin.
“Ako pa? Ako pa ang makulit?HAH!” ginaya ko 'yung tono ng pananalita nya. “Mas makulit ka naman no. Grabe, para kang hindi lalaki. Ba't ganto mo ko itrato ha? Babae ako for your information!”
“Trabaho ko 'to.” giit nung lalaki. TagaClass C ata siya.
Pinandilatan ko siya ng mata. “Trabaho? Trabaho na pala ngayon ang manakit ng babae no?”
“Aba!”
Sasapakin ako. “Anooo?!”
Umamba din ako na parang sasapak sa kanya gamit 'yung isang braso ko na free. Walang respeto sa babae, kaasar!
“ARAYY!"
Nagulat ako nang mapaluhod 'yung lalaki na may hawak sa'kin. Hindi ko naman siya sinapak ah. Anong nangyari sa kanya? Maang na napatingin ako sa kanya hanggang sa madako ang paningin ko sa likod nya.
Andon si Zero. “Stop hurting her, he says.” wika nung lalaking kasunod ni Zero. Actually nahuhuli sila. Teka, tinulungan ako ni Zero?
“Eros, salama──.”
Inisnab nya ako bago maglakad pauna sa amin. Nauuna pa siya don sa maghahatid sa amin. “Ugly, he says." Wika nung lalaki bantay ni Zero.
Pinandilatan ko sya ng mata. “Wala namang sinasabi, imbento ka!” Nagkibit balikat lang siya.
“Tara na.”
Pinauna akong maglakad nung mga bantay. Hindi pa rin nakakamove on 'yung isang lalaki sa pagsipa sa kanya ni Zero. Ayun, bago pa lang tatayo.
“Andito na tayo.”
Napalunok ako nang matitigan ang malaking bakal na pinto na nasa harapan ko. May maliit lang na bintana para makita ang loob. Nakatigil din sa harap nun si Zero, siguro naiisip nya na babalik na naman sya sa detention room na 'to.
Binuksan na nung isang lalaki 'yung pinto. Tumambad sa'kin ang loob na puno ng mga kahoy sa gilid, walang upuan, walang lamesa. May nakita pa akong mga mangilan ngilang papel na nagkalat. May upos ng sigarilyo, meron pa ngang vandalism sa pader.
Napalunok ako. Parang ayokong pumasok. Nanlaki 'yung mata ko nang may nakita akong tuko sa bubong. Napaawang ang bibig ko bago napaisod kay Zero na nasa bukana ng pintuan. “Papasok ba talaga ako dyan?”
“Yeah." Sagot nya.
“H-huwag na k-kaya..”
Napatago ako sa likod ni Zero nang lumapit 'yung tuko sa gawi namin. Naghehello sya huhu! Putanginams. Tumakbo nalang kaya ako? Ipakita nyo na sa'kin lahat 'wag lang 'yan.
“Are you scared?”
“H-hindi no! Sisiw!!”
“Tss.” Sungit!

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...