Eros and Noburi
“Ayttt! Sakit ng katawan ko."
Naginat inat ako para naman mawala 'yung sakit ng katawan ko. Nangalay din 'yung binti ko kakaupo. Tagal din eh. Alas dyes na ng gabi ngayon. Ngayon lang kami natapos dun sa pajama party.
Naalala ko na naman sina Tim. Kagigil 'yung mga 'yon. Ipitin ba naman akong para suman? Ang ganda ganda ng lakad lo tapos bigla bigla akong pinaggitnaan. Mga abnoy!
Buti nalang wala sila dito ngayon. Ewan ko nalang kung masundan nila ako dito sa labas. Umupo ako sa may mesa na palagi naming inuupuan. Kitang kita dito 'yung pafountain ni Lolo M. Tapos bilog pa 'yung buwan. Oh, deba? Bongga ng Lolo nyo. Ganda ng view!
Last day na pala ngayon dito. Kinabukasan babalik na kami don sa sari-sarili naming mga bahay. Tapos sa lunes, papasok na naman ako.
Ay, hindi ko pa nga pala nasasabing hindi na ako titigil sa pag-aaral.
“Sino namang interesadong malaman?"
Sina Tim lang naman ang sigurado akong interesado, 'yung iba edi syempre lampake na. Hindi naman kami friends.
“Makatulog na kaya?"
Maaga ang alis bukas, tulog na nga ako!
“What a bad night. Of all the people ikaw pa 'yung nakita ko."
Napatingin ako sa dumating. Si Mindy! May hawak hawak syang baso ng tubig. Napatayo ako.
“Oo nga e. Dyan ka na."
Iiwas ako sa gulo. Ayokong magkagulo na naman tapos parusahan na naman kami ni Lolo M. Tabi na nga kami sa pagtulog, para sa'kin worst na 'yon. Ano pa kaya kapag naparusahan uli kami? Edi mas worst pa.
“Where are you going?"
Napahinto ako sa paglalakad. “Papasok na sa loob. Tutulog, bakit?"
“Pinayagan ba kitang maunang pumasok sa loob?"
Eh? Napangiwi ako sa kanya. “Kelangan palang magpaalam sa'yo?"
Ano siya reyna? Myghad. “Yes! Gusto ko sa'kin ang mas malambot na unan at mas malawak na space ng higaan!"
Ngek. “Edi sa'yo na.”
Problema nya? Kaya ko naman matulog ng hindi malambot ang unan. Artii ha.
“Talaga!"
Napailing nalang ako. Iiwanan ko na siya bago ko pa siya makalbo.
“Ang sama ng boses mo."
Napatigil ako sa paglalakad. Nilingon ko siyang muli na busy sa paginom.
“Tapos?"
“Sinasabi ko lang na ang sama ng boses mo. Sintunado ka kaya kumanta. Wala sa tono tapos boses lalaki pa, yuck!” nandidiri pa 'yung mukha nya nang sinabi nya 'yon.
Okay? Okay lang ba talaga sya o kelangan ko na syang ipatingin sa albularyo? Bigla bigla nalang syang nanlalait. Hindi ko naman sinabing laitin nya ko, nagkukusa sya tss.
“Hello? Naririnig mo ba 'ko?" Tila naiinis nyang tanong. Tumango naman ako agad. Obvious naman na maririnig ko sya dahil may tenga ako.
“E ba't hindi ka nagrereact?!"
Nagagalit na sya.
“Ano namang irereact ko?" Balik tanong ko. Lakas ng trip nya ah. Kung gusto nya ng kaaway ngayon pwes ako ayoko. Gusto ko nalang munang matulog dahil malayo pa ang byahe bukas.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...