抖阴社区

Chapter 14

171 8 0
                                    

Biased

“Saan ka ?.” tanong ni Tim na nakasalubong ko palabas ng building namin. Kasama niya din sina Wavin at Gray, pawang may hawak na Ice Cream sa kamay.

Nilingon ko muna 'yung kasama ko na tagasection B at saka sila sinagot. “Pinapatawag daw ako sa Guidance eh.” mahina ang boses na sagot ko.

Nagiingat kasi ako, tsaka baka padala na naman siya ng kung sino man edi lagot ako. Kaya atleast man lang dapat alam nina Tim kung nasaan ako para alam nila kung saan ako hahanapin incase ma madeds ako, diba?

“PATAY KA NA.”

“What did you do this time?.”

“Lagot ka na talaga, George.”

Sinimangutan ko naman sila. Inang mga 'to, imbis na pagaanin loob ko lalo akong pinapakaba.

“Let's go.” aya sakin nung babae na may paghawak pa sa siko ko.

Tumalikod na ako sa kanila at saka nagumpisang maglakad. Ano na naman ba 'tong pinasok ko? Pero teka, wala naman akong ginagawa ah! Ako pa nga ang victim. Jusko, kalma Georgina. Malay mo naman pinatawag ka para ayusin 'yun diba? Hingan ng information. Napatango ako sa naisip. Nagtatalo talo sa utak ko ang posibleng mangyari sa loob ng guidance office. Nadagdagan tuloy ang kaba ko, putanginams!

“Uh-hm?.”

“Yes?.” nilingon niya ako ng nakangiti. Nginitian ko din siya pero dahil sa sobrang kaba ko, naging ngiwi 'yon.

“Bakit daw ako pinapatawag? Wa-wala akong ginawa ha!.”

Defensive much, Georgina?

Napahalakhak siya. “Don't worry, we won't hurt you.”

'Yan, yan din ang sinabi sa'kin nung pinatawag ako nang SSG President eh.

Pumasok na kami sa Main Building, this time may mga nakabantay na sa mini gate nila. Tss, feeling talaga. Napairap naman ako ng pagbabatuhin na naman ako ng papel habang dumadaan ako sa hallway. Nginitian ko sila ng plastic.

“Titigil kayo o titigil kayo?.”

Kasi kung hindi sila tumigil, edi hindi. Anong magagawa ko diba? Hindi ko naman pwedeng labanan baka kuyugin ako bigla.

“Stop blabbering shits.”

“Zero?Anong ginagawa mo dito?.”

Bigla bigla nalang siya sumulpot sa katabi ko, siguro pinatawag din siya. May kasama siyang lalaki na tagasection B din eh. Napailing nalang ako.

“Obvious naman 'diba?.” iritable niyang sagot.

Nakapamulsa pa siya at maangas na naglalakad sa gitna ng hallway. He's glaring at everyone. Pero teka, ba't ako lang ang binabato? Ba't siya hindi?!

“Gago, ba't ako binabato tapos ikaw hindi? Unfair!.”

Pareho lang naman kaming nasa Class 4-Z tapos siya hindi binabato. Wow! Nginisian niya lang ako, hindi sinagot. Naiinis na tiningnan ko ang mga nambabato paring tagaMain Building.

Bias kayo, bias!

Nakarating na kami sa may Guidance Office, katulad ng sa SSG President, malaki ang pinto nito. Ang naiba lang ay ang kulay ng pinto na Pula. Malahorror house, nakakatakot tuloy pumasok!

“Pasok, Miss. Devilla is waiting inside.”

Binuksan nila ang pinto at saka pumasok si Zero, ako naman ay nakatayo parin sa labas. Natatakot kasi akong pumasok, first time kong mapunta sa Guidance Office, men!

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon