Jacket
Matapos ihatid si Rin sa clinic ay agad na naglakad si Zero pabalik. Actually, kanina pa siya tahimik kaya nanahimik nalang din ako. Kanina ko pa din kasi iniisip 'yung posibleng tao sa likod ng nangyari kanina. Kung sino man siya, alam kong malaki 'yung galit niya sa'kin o 'di kaya ay kay Yvo.
Pero I have this gut feel na ako talaga 'yung target. Ayokong maging assuming sa mga ganitong bagay pero malakas 'yung kutob ko.
Kung sino man siya ang duwag niya! Ni hindi kayang lumaban ng patas, may pahired hired pa ng tao. Psh.
Napabuntong hininga ako.
Akala ko pa naman maeenjoy ko 'tong event na 'to, hindi rin pala. :<
Luminga linga ako sa paligid. Mukhang hindi pa alam ng iba na may intruder na nakapasok at may muntik nang magtangka sa amin ni Yvo. Hindi nila alam na nagkagulo, chill na chill pa sila e.
Pero baka naman itinago sa kanila? Ano naman kayang binabalak ng council at officials dito sa school na 'to?
“May ibabagal ka pa ba?”iritang wika ni Zero. Nakalingon siya sa'kin at tila ba buset na buset na sa buong pagkatao ko.
Luminga linga ako sa paligid bago itinuro ang sarili. “Ako ba ang kausap mo?”
Napataas ang kilay niya. “Isn't obvious? Kapag hindi mo pa binilisan diyan, iiwanan kita." Naiiritang aniya.
Ako pala kausap! Ibig sabihin gusto niya 'kong kasabay? Aba, hanep 'to ah gusto akong makasabay para siguro sapakin.
“Tss." Pagsusungit niya nang hindi agad ako lumakad. Tinalikuran niya ako at saka naglakad nang mabilis. Agad na tumakbo ako pasabay sa kaniya.
“Galit ka naman agad.”
Napakabilis maglakad! Tatlong hakbang niya, isang hakbang ko lang. Kapre kasi 'to e, kapreng may halong pagkakwago tapos impakto.
“Tinatanong ka lang e." Dagdag ko pa. Kaso ang walanghiya hindi namansin!
Sinabayan ko nalang 'yung paglalakad niya. “T-tingin mo sino 'yung may pakana nun? Lunatic daw 'no sabi ni Yvo--.”
“Why the hell are you with him?"
Ee? Ba't ganon 'yung sagot, tinanong din ako. Sagutin ko na nga din, tss.
“Bigla nalang siyang sumulpot e."
Hindi ko pa alam kung saan nanggaling si Yvo.
“Why are you wearing that jacket?"
Napatingin ako sa suot ko. Oo nga pala. Suot suot ko pa nga pala 'yung jacket ni Yvo. Di bale pwedeng pwede ko namang isauli mamaya.
“Nasira kasi--."
“HOYYYYY! BA'T ANG TAGAL NIYONG LUMABAS!"
Naputol agad 'yung sasabihin ko dahil kayna Tim. Nasa may booth na pala namin kami. Nakahanay sa labas ang lahat. Anong meron?
I confusedly look af them.
“Anong ginagawa niyo diyan?"
Bago palang ako nakakabawi ng pagod. Kasalanan kasi 'to ni Zero e! Sinulyapan ko si Zero na dire-diretsong umupo dun sa upuan sa gitna ng Class Z. Nakatingin pa sa'kin, nakakasar. Nagyayabang na naman.
Feeling hari na naman, psh.
“Si Tim at Wavin kasi nagfreak out kesyo hindi pa raw kayo nakakalabas sa horror booth baka raw may sumakal na sa inyo dun--." Naputol ang sasabihin ni Warren nang agad na nagstep up sina Tim.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...