抖阴社区

Chapter 122

128 4 0
                                    

Adviser

“Uhm...girlfriend ka po ba ng isa sa kanila?"

Ayan na! Nasabi ko na ang nasa utak ko. Pero wala ng bawian. Napalunok ako. Nakatingin silang lahat sa akin. Gulat? Hindi ko alam kung paano eexplain 'yung reaction nila. May mukha pang natatawa.

“Girlfriend?"

Tumango tango ako dun sa babaeng sosyalin. Yung dala dala niyang basket ng prutas ibinigay niyang lahat kay Zero 'yun. Yung mga paperbags niya naman ay ibinigay niya sa lahat. Bale tig-iisa sila. Pati si Kuya meron din.

“George."

Nangunot ang noo ko.

Parang may mali kasi. I feel like matagal na nilang kilala 'yung babae. So siguro kung hindi siya girlfriend ng isa sa kanila ay asawa. Ni Tim? Hm, imposible naman. Wavin? Lalong imposible, napakamagagalitan, imbes na matuwa ka sa kaniya maiinis ka kasi laging full volume. Buti nalang sanay na kami. Hm, kung si Archer naman hindi ko makita 'yung connection nilang dalawa. Lalo naman si Kuya!

So, maalin kay Zero at Gray.

“Did I hear you right?" Seryosong tanong ni Gray sa akin.

“Oo." Agad kong sagot sa kaniya.

“AHAHAHAHAHAHAHAAHHAAHHAAH!"

—_—

Seryoso ako sa tanong ko pero tumatawa sila. Problema nila? Pinapangunahan pa nung babae 'yung pagtawa. Jusko. Pati si Zero at Archer. Nakakatawa pala 'yun?

“A-anong nakakatawa?"

Ako na naman 'yung nagpapasaya sa kanila. Hay, jusko ang hirap maging maganda. Ginagawang clown ng mga animal na 'to.

“Pfft." Nagpipigil ng tawa si Gray.

“Ishare niyo naman sa'kin kung anong nakakatawa."

Lumapit ako kay Timothy at saka tinapik tapik 'yung likod niya. “Sana ayos ka pa. Sige, tawa pa."

“A-ARAY KO! GEORGE NAMAN!" Reklamo ni Tim. Nanghingi siya ng tulong kay Wavin pero tinawanan pa siya. Pinanlakihan ko siya ng mata. Sana manahimik na siya, Lo---charot po. Mahal ko po sila kahit ako lang ang matino.

“Bakit ba kasi kayo tumatawa!"

“Bunso, pfft." Pati ba naman siya?

Kainis na. Sabihin nalang kaya nila sa'kin para maintindihan ko. Ginagawa akong katatawanan, tsk.

“Oh, sorry for that. I was being rude." Tumikhim pa 'yung babae. “But you're wrong. I'm nobodys' girlfriend."

Eh? Hindi siya girlfriend ng mga impakto na 'to?

“Kapatid? Pinsan?"

Umiling iling 'yung babae. Manghuhula ako hanggang makuha ko kung sino siya.

“Nope. I am Grays…." Si Gray? Tiningnan ko si Gray. Ni hundi siya natitinag sa kinatatayuan niya. “I'm Grays Mother."

Oh, mother naman pala. Weyt, what?! Nanay siya ni Gray?!

“So, that's what happened."

Ah! Nagegets ko na. Eto na nga 'yung sinasabi nilang 'Dont a judge a book by it's cover'. She literally looks like around our age. Akala ko 20+ palang siya pero nanay pala ni Gray. Grabe. Hindi ko alam. Nakakahiya 'yung tanong ko. Baka isipin niya na ang bastos ko.

“Edi mula bata palang po kilala niyo na sila?" Itinuro ko si Zero at si Archer. Tumango tango naman 'yung nanay ni Gray. Her name is Jade, ang gandang pangalan. Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kaniya kaya nanay ni Gray nalang.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon