抖阴社区

Chapter 28

162 10 1
                                    

Unknown Number

“HOY, BAKIT INUBUSAN NIYO KO NG POPCORN!.”

Umuusok na ang ilong ni Wavin. Sa katakawan talaga maaasahan siya. Agad namang lumapit si Tim sa kaniya para bigyan siya ng popcorn.

“Eto na, Dude. Huwag kang magalit papanget ka niyan.” pangaasar pa ni Tim. Napatawa tuloy ang iba sa kanila. Napangiti na din ako lalo na nang magasaran na 'yung dalawa. Anlaki nilang tao pero mga isip bata.

“MAS PANGET KA.”

“Wala akong mapakinggan sa pinapanood.” malamig ang boses na sabi ni Lolo M. Natahimik naman 'yung dalawa bigla.

Napailing nalang ako at saka nagfocus sa pinapanood. Nagmomovie kasi kami, lahat ay nandito. Kaniya kaniyang pwesto. May iba pa ngang nagdala ng higaan. Malaki kasi 'yung TV, tapos horror pa 'yung pinapanood. Sigawang sigawan 'yung mga lalaki. Pati na 'yung mga babae. Ayos na ulit sina Nadya at Corine, hindi ko alam kung paano sila nagkaayos basta nakita ko nalang na naguusap na sila. O' diba?

Nandito ako sa medyo gilid pahuli nakapwesto, ayoko kasi dun sa may pauna. Hindi ako takot sadyang magugulatin lang ako. Baka kapag nagulat ako ay makasapak ako edi away pa. Kaya medyo lumayo ako sa kanila ang kaso lang biglang pumasok 'tong sina Archer at Zero, lumapit sa'kin si Archer. Hindi ko nalang pinansin since mas okay naman na siya ang kalapit kesa si Zero. Sina Wavin at Tim naman nandoon sa gitna tapos nagkukulitan sila. Nasaway tuloy ni Lolo. Si Gray naman nasa tabi ni Lolo na nasa una, pati si Spade.

“AAAAAAHHHH!.” sigawan ng Class Z nang biglang lumabas 'yung mumu. Take note mas malakas boses ng mga lalaki! Hanep. Nanginginig nginig pa, jusko.

“Halaa, bakit kamukha ni Geoge 'yung multo!.” sigaw bigla ni Tim.

Putanginams talaga neto. Binatikal ko ng unan si Tim, abnormal palagi. Grrr. Nagtawanan pa mga kaklase namin. Mga hayuffffsss!

“Yeah, the resemblance..” bigla ay sangayon ni Gray.

“Oo nga, HAHAHAHAAHHAH!.”

Tawang tawa lang Spade? Akala ko mabait ka. Napasimangot nalang ako. Mga buset, pagtripan na naman ako.

“Inanyoo!.” sigaw ko. Agad namang napalingon sa'kin si Lolo. Napapeacesign tuloy ako bigla. Hayuffs kasi eh, hindi naman inaano.

“LAGOT KA NI LOLO M, HAHAHAHAAHAHAH!.”

Pinandilatan ko si Wavin. Peace officer pa naman siya pasimuno siya sa pambubully. Bahala nga sila diyan. Umayos nalang ako ng upo at hindi na pinansin 'yung masasamang espiritu na bumubulong bulong. Kumain nalang din ako ng popcorn. Actually tigiisa kami, ewan ko ba dito kay Wavin kung bakit sinabing inubusan siya.

Napalingon ako kay Archer na walang hawak na popcorn. Waka siyang kinakain maski si Zero. Nakatingin lang sila sa pinapanood ng seryoso. Naubusan siguro sila? Dalawa dalawa kinuha nung iba eh. 

“Oy.” pagtawag ko kay Archer nang pansin. Inilapit ko sa kaniya 'yung popcorn. Napatingin naman siya sa'kin maski si Zero. 'Yung mukha nila parang nagtataka.

“Kuha na.” atat kong sabi.

Inabot pa ng ilang segundo bago siya kumuha. Napatingin naman ako kay Zero na nakataas ang kilay. Sa kaniya ko naman inilapit 'yung Popcorn. Tinaasan ko din siya ng kilay, hinihintay na kumuha siya ng Popcorn.

“Ngalay na ngalay na akoo..” ngumiwi pa ako. Rumehestro pa sa mukha niya ang inis pero maya maya'y kumuha din naman. Nakoo! Nagiinarte lang pala 'tong mga 'to.  Sekretong napangiti ako. Hindi kami nagaway!

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon