Meeting
“Let's start our meeting.”
Meeting daw? Hindi ko alam na may pameeting pala bigla si Lolo M. Hindi ako ready!
Umayos na din ako ng upo at saka nagfocus sa sasabihin niya. Ganon din ang ginawa ng mga Egg Warriors na kasama ko pwera nalang kay Tim na hindi mapakali sa upuan.
“What is this all about?” tanong ni Zero na seryoso ang mukha.
Tumayo si Spade bigla. “This is about how you'll be able to transfer section.”
Transfer section daw. Edi ang paguusapan siguro namin ay strategies kung paano kami makakaalis sa Class Z.
“I already received the email which contains the names of your professors. We're also done with the investigation.”
Investigation?
“Para saan ang investigation?”
“Oo nga, para saan?” sabat ni Tim na bumalik na sa katinuan.
May kinuha si Spade sa ilalim ng mesa. Makakapal na folders. Isa-isa niyang dinistribute sa'min 'yun. Agad kong binuksan pagkabigay sa'kin.
Teka..
“Personal Info 'to ng mga teachers namin..”
Nandoon lahat as in! Pati kasulok sulukang info about sa teacher namin ay nandon. Binuklat buklat ko pa ang folder na binigay sa'min.
“What's the point of all these info?” nakakunot pa ang noo ni Gray. Hindi ko siya tiningnan kasi naiilang padin ako sa kaniya.
“Sa paglalaro ng basketball, our main goal is to score. To shoot the ball, right?”
Huh? Bakit napunta sa basketball? Anong sinasabi ni Lolo?
“Yep. The main goal is to win the game.” sangayon ni Archer.
“Pero ganon ba kadaling makapagpashoot?” umiling iling si Lolo M. “Hindi, 'diba? Because you have your opponent. 'Yung manlalaro ng kabilang team na pumipigil sa inyong makascore.”
“Lolo, ba't napunta sa basketball?”
Walang nagsasalita sa kanila, edi ako nalang. Sigurado naman akong hindi lang ako ang naguguluhan.
“Then we also have the referee. Hindi ko sinasabing kalaban din sila pero hindi natin masasabing lahat ay patas. That's why we have to set our plans. Our strategies. Know who's with us and who's not. Clean the court so we can sucessfully take a shot.. Not just a shot but our best shot.”
Tumayo si Lolo sa pagkakaupo. “Sa madaling salita, kikilalanin nating mabuti ang mga taong nasa paligid natin. Alamin kung sila ba'y kakampi, kung sila ba'y patas at mapagkakatiwalaan, kung sila ba'y makatarungan. And we'll start with Noblesse High's Faculty Officials.”
Napa'oohhh' naman ako sa sinabi ni Lolo. Actually may point siya. May mga teachers kaming palagi galit, may hindi pa nga nagtuturo. Meron namang utos lang ng utos.
“May professor ba kayo ngayon na naging professor niyo na dati?”
Hindi ako sumagot. Wala kasi akong alam dahil ngayon lang naman ako nalipat sa Noblesse HIgh.
“Yeah, Mr. Aguilla.” sagot uli ni Gray.
“Pakitingnan ang unang pahina.”
Sinunod ko naman si Lolo M. Nakita ko ang profile at personal info tungkol kay Mr. Aguilla, Math Teacher namin siya na sobrang strict. Hindi siya nagtuturo basta bigay lang ng sasagutan. Gusto ko tuloy lagi tumakas kapag subject niya na, ang lupet eh!

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...