抖阴社区

Chapter 19

173 9 1
                                    

Officers

“Walanghiya ka! Bakit mo sinaktan si Zero ha?Anong karapatan mo?!.”

Napaikot nalang ang mata ko. Here we go again. Naririndi na ako sa paulit ulit na panunumbat sa'kin nito ni Corine. Wala na bang bago? Laging ako ang mali sa mata niya ganon?

“Ano naman kung sinapak ko siya?.” mataray kong sagot sa kaniya. Bahagya ko pang tinaas ang kilay ko para feel na feel.

“You have no rights to hurt him!.”

I have no rights to hurt him? Wow!

“Kapag siya ang nananakit ay ayos lang pero kapag siya na ang nasaktan ay hindi? Wow, you really are bias.” nangiinsultong sagot ko sa kaniya.

Umupo na ulit ako sa upuan ko. Dapat nga kasi hindi ko na siya papatulan ang kaso nakakaasar 'yung mga pinagsasasabi niya. Halatang bias at one sided siya, napakaunfair. Ano naman kung nasaktan 'yun si Zero? Tsaka 'di hamak naman na mas nasaktan si Spade no!

“Hayop ka!.”

Ay hindi pa pala siya tapos. Nginitian ko naman siya.

“Alam ko. Hayop sa ganda?.”

Lol, maliit na bagay. Dinilaan ko siya at saka naglakad na papasok. Ewan ko ba kasi don bigla bigla akong hinigit papunta sa labas tapos susumbatan lang pala ako. Naks ha, basta para kay Zero. Bagay nga sila, magkapareho ng ugali.

Bumalik na ako sa sala  kung saan nandoon ang lahat, mga nakaupo sa sofa. Astig nga ni Lolo, ang lawak lawak ng Mansion. Kahit na hindi na 'to ang unang beses na nakapunta ako ay nakakamangha parin talaga. Idagdag pang may mga maids and butler na pinagsisilbihan ka, o 'di ba? Sosyal.

But anyways, wala pa pala dito sina Spade, Wavin, Gray, Tim and Zero, ginagamot kasi sila don sa taas. May mga nurse na nagdatingan kanina. Magkakalahating oras na nga ata pero hindi parin sila nababa. Wala tuloy akong kausap. Nakakatakot naman kausapin 'tong mga kaklase ko, sasamang tumingin eh.

“Let's talk.”

Napalingon ako kay Archer na nasa kalapit ko na pala. Napalunok ako ng laway. Mukhang alam ko na kung ano ang itatanong niya sa'kin.

“Bakit kilala mo si Lolo M and Spade?.”

Sabi ko na nga ba magtatanong sila tungkol dito. Mukha pang eager na eager siyang malaman. Napabuntong hininga ako bago sinagot ang tanong niya.

“Nakilala ko si Lolo sa may madilim na eskinita sa lugar namin. He was disguised as a beggar, nakita ko siyang binubugbog ng apat na jejemon kaya ayon tinulungan ko.”

Kunot noong tiningnan niya ako. “You helped him?. ” Tumango tango ako.

“'Yun ang plano pero ang ending ako ang niligtas ni Lolo. Ang galing niya pala makipaglaban! Tapos nakilala ko din si Spade kalaunan, nalaman ko din na mayaman pala siya hindi duks.” pagkwento ko.

Naalala ko na naman 'yung una naming pagkikita ni Lolo, akala ko talaga ay palaboy siya pero hindi pala. Naloko ako, hmp.

“I see.” sagot niya lang, tila malalim ang iniisip. Bigla nalang din siyang nawala sa harapan ko, hindi ko na alam kung saan pumunta. May kalahi ata ni Superman 'yun ih, ang bilis. Luminga lang ako saglit eh.

Mga ilang minuto na naman ang lumipas, nakatunganga lang ako sa kawalan. Ramdam ko na nga na mapapanis na laway ko eh. Wala nang lumapit sa'kin, nakapanood lang ako habang nagkukwentuhan sila este nagchichismisan. Nauumay na din ako sa mga pasaring sa'kin nung apat na sina Corine, Mindy, Nadya at Olyvia.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon