Bullying
Maaga akong pumasok ngayon. Hindi kasi ako pumasok kahapon kaya pambawi na. Pagkatalon ko kasi sa bakod, diretso uwi na ako. Ano ba naman kasing gagawin ko dun sa school eh, hindi na naman pumapasok 'yung mga teachers. Gulo nga nila eh, sabi sa Monday pa daw ang start pero hondi naman 'yun ang nangyari.
Pero maigi nadin 'yun, nakapagpahinga ako sa bahay. Nagpalipas na din ako ng inis kay Zero and friends. Mga itlog warriors na nagkakaisang mambwisit at mangapi sa'kin. Hanggang ngayon pala, hindi ko parin alam kung bakit sila galit sa'kin. Tapos hindi ko pa natanong kung sino si Yvo. Noong unang linggo ko sa school, narinig ko na ang pangalan niya eh. Wala lang talagang magkwento sa'kin.
Wala kasi akong kaibigan. Sina Tim, Wavin, at Gray, hindi sure kung kaibigan ba ang turing sa'kin. Oo nga't pinagtatanggol nila ako pero diba nga? Mas matimbang ang dati kasi sa bagong dating pa lamang? Kaya hindi padin talaga ako sigurado. Medyo nasasanay na ako sa kanila, tinuturing ko na sila bilang kaibigan pero kapag napapalapit naman ako sa tatlong 'yun, inaaway naman ako nung Grupo nina Corine. Gulo diba?
Nagpalinga linga ako sa room. Wala pa palang katao tao dito. Jackpot! Makikinig nalang ako ng music. Inilabas ko ang headset at saka inilagay 'to sa tenga ko, pumili na din ako ng maganda gandang kanta. Who says nI Selena Gomez, I really like this song talaga. Napapikit ako at saka sinabayan ang kanta.
“Who says, who says you're not perfect
Who says you're not worth it
Who says you're the only one that's hurtin~Naiihi ako! Pati sarili ko pinipigilan akong kumanta. Jusko.
Tumayo ako at saka naglakad papuntang CR. Dalawang palapag pala 'tong building namin. Nasa may 1st floor 'yung Classroom namin then nasa taas 'yung Canteen. 'Yung cr naman nasa dulo ng nang 2nd floor, medyo malayo nga ih. Then 'yung clinic nasa taas din. Ewan ko ba sa trip nila, kung sana sa loob ng room sila naglagay ng cr diba? Edi bawas hirap sa buhay namin.
Kumakanta kantang pumasok ako sa loob ng comfort room. Pagkatapos ko ay nagstop muna ako para magsalamin. Nakita ko rimg may mga nakasulat na kalandian sa mismong salamin ng Cr. Wala pa 'to dati kaya natitiyak kong sina Corine ang nagsulat neto.
I love you, Zero.
You're mine, Gray!
Tim is my boyfriend.
I'm Wavin's wife! Back off, bitch.
Wow! Nakakasuka! Akalain niyo trip na trip nila talaga 'yung mga 'yon? Pfft. HAHAHAHAAHHA. Pero infairness, ang panget ng sulat kamay nila ha.
Nakakapagtaka lang, wala si Archer? Siguro natatakot sila kay Archer. Mukha kasing bampira eh.
Well, anyways. Don't care. Papaalis na sana ako nang mapalingon ako sa likod. Kita ko sa salamin na may mga sulat pa doon.
“Georgina bitch!.”
“I hate you, girl!.”
“Umalis ka na sa section namin.”
“Malandi!.”
Pagbasa ko sa mga sulat na nagpakulo ng dugo ko. Inis na kinuha ko ang lipstick sa bag at saka sinagot ang mga nakasulat doon. Akala niyo magpapaapi ako ha? Ulol. Immune na kaya ako sa pangbubully niyo sa'kin.
Malaki ang ngiting lumabas ako ng comfort room. Napaevil laugh ako ng wala sa oras. Ay ano ba! Nagmumukha akong kontrabida. Nasaktuhan pa na natugtog ay Bad Guy. Napailing iling na lang ako.
“ARRRGH!.”
Parang may nasigaw? Inalis ko ang headset na nakapasak sa tenga ko para marinig ng malinaw.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...