Hug
Kakausapin ko si Kin.
Wala na ding nagawa ang ibang Egg Warriors kundi ang pumayag na ako ang kumausap kay Kin. Hindi ko alam kung magkakaayos kami. Pero mas mahalaga na makausap ko siya.
“Saan na kaya si Kin?"
Kanina ko pa siya hinahanap hindi ko naman makita kita. Nasaan ka na ba kasi, Kin? Wala sa living room, wala rin sa garden, maski sa kwarto niya napuntahan ko na. Pati nga library e. MIA siya ngayon, missing in action.
Naalala ko tuloy 'yung itsura niya kanina lalo na nung umiyak siya. Kitang kita 'yung lungkot sa mata nya. Kahit inis siya nangibabaw 'yung lungkot.
Hindi ko naman alam na siya pala yung girlfriend ni Kin na hindi nya naprotektahan. Kung alam ko edi sana hindi ko na sinabi na uungkatin ko 'yung mga impormasyon tungkol sa kay Sophia. E kaso nga lang, wala ngang nagsabi sa'kin.
Asa ka pa, George.
Nakakastress na. Saan ko ba kasi hahanapin yung si Kin? Kung ba't kasi ngayon pa nya naisipang maglayas sinabi ko lang naman bawal magbaon ng isang dosenang saging e----charot. Lakas ng loob ko magjoke, hindi pa nga kami okay.
“Kin? Dito ka ba?"
Sinilip ko 'yung banyo ng mga lalaki pero walang sumagot. Ibig sabihin walang tao. Hanep 'yan, nalibot ko na talaga lahat.
Napaupo ako sa hallyway. Nandito na ulit ako sa may taas. Pangalawang ikot ko na 'to.
“Astair."
Napatayo ako para harapin 'yung tumawag sa pangalan ko, walang iba kundi si Lolo M.
“Hindi mo pa rin makita si Kin."
Tumango ako. Hindi siya nagtatanong kundi sigurado. Halata siguro sa itsura ko.
“Kanina ko pa po hinahanap. Tinataguan po yata ako e." Napakamot ako sa ulo.
“Susuko ka na?"
Susuko? Agad na napailing ako. “Hindi po! Hahanapin ko si Kin kahit na anong mangyari!"
Kahit abutin pa 'ko ng syam syam, hindi ako titigil. Wala yata sa lahi namin ang madaling sumuko. Sumilay ang ngiti sa kanyang mukha. Ano naman kayang nakakangiti? Natutuwa siguro si Lolo dahil nahihirapan ako, huhu.
“Tama yan, Astair. Malayo layo na rin ang narating mo."
Nagsimulang maglakad si Lolo, sumunod naman ako agad.
“Konting tiis nalang makakagraduate na kayo."
“Oo nga po kaso hindi ko pa din sila kasundo. Baka mauna pa 'kong madeds bago sila makasundo."
So truuuu. Pati kaluluwa ko nagaagree lalo na ngayon. Nangyari pa 'tong kay Kin. Sadyang pinapagulo nung black lady ang buhay ko.
Tumigil kami sa may library. “Huwag kang mag-alala, malapit na."
Malapit na ang alin? Maang na tiningnan ko si Lolo M. “Alin po ang malapit na? Malapit ko na silang makasundo o malapit na akong madeds?"
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Lolo M. Bigla nya nalang akong itinulak sa loob ng library.
“Lolo naman po, makatulak nanan po kayo. Ano po bang ginawa ko? Magpapakabait na po ako huhu." Mangiyak ngiyak kong wika.
Ngumiti si Lolo M.
“Maiwan na kita Astair."
Nanlaki ang mata ko't nagulat. Inilock ni Lolo ang pinti ng library! Bago ko pa siya mapigilan, sarado na.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...