Friends at last
Hindi ba talaga siya nagbibiro? O baka naman joke lang lahat 'to? Panaginip? Baka nananaginip lang ako! Pero hindi e, pano naman ako mananaginip e gising na gising nga ako ngayon, naglalakad pa nga.
So, ibig sabihin totoo?
Pinagmasdan ko ang likuran ni Zero. Naglalakad pa rin kami ngayon. Malapit na sa apartment nilang yayamanin.
Kanina ko pa iniisip kung totoo 'yung sinasabi ni Zero na naniniwala siya sa'kin at tutulungan niya akong malinis ang pangalan ko sa egg warriors. Kung tutuusin wala siyang makukuha sa pagtulong sa'kin kaya bakit niya naman gagawin 'yon?
Nakakapagduda.
Matapos ang halos tatlong minutong paglalakad ay nakarating na kami sa tapat ng apartment nina Zero. Dito na siya.
Pero bakit tuloy tuloy pa rin siyang naglalakad?
“Oh, dito ka na. Sa'n punta mo?"
—_—
Nawalan na ata ng sense of direction 'tong impakto na 'to. Pati sariling bahay hindi na alam kung saan. Myghad ha.
“Helloo? Dito ka na."
Ayaw huminto. Edi 'wag.
Hindi naman siya lasing at imposibleng malasing siya dahil tubig lang naman ininom niya. Hindi ko siya tinitingnan ha, napapasulyap lang. Pero 'yun nga, tubig lang naman ininom niya.
Nakakalasing na pala ngayon ang tubig?
Baka 'yun nga! Kaya siguro bangag 'tong impakto na 'to. Tsk, tsk. Bahala siya.
“Tuloy tuloy pa rin. Bahala ka ha, huwag kang magrereklamo pag-uwi mo mamaya!"
Baka biglang isisi sa'kin mamaya. -.-
Aisst. Tumakbo ako palapit sa kaniya. Sinabayan ko siya sa paglakad. Seryoso lang naman siyang naglalakad, nakapamulsa pa. Feeling cool, amp.
“Hoy. Lampas ka na."
Sinilip ko 'yung mukha niya. Napaside eye tuloy siya sa'kin sabay glare.
“And?"
Lah. “Wala naman. Hindi ko naman sinasabing nagsasayang ka ng oras sa paglalakad imbes na nasa bahay mo na ikaw." I sarcastically said.
“Gusto ko pang maglakad, pake mo?"
Ay woww! Iba naman pala ang trip ng lalaking 'to. Ang sungit pa ng pagksabi niya. Gusto niya maglakad? Hating gabi na kaya. I kennat bilib dis man!
“Ah." Sagot ko nalang.
Kanya-kanyang trip 'yan. Irespeto ko nalang tutal wala rin naman akong magagawa at wala naman akong dapat na pakealam din.
Ang mahalaga malapit na 'ko sa bahay.
Alam ni kuya na doon ako dumiretso kay Lolo M, actually ang alam niya ay ihahatid ako ni Spade pauwi pero hindi na nangyari since nalasing si Spade. Since keri ko naman umuwi mag-isa, nagkusa na 'ko.
Malapit na, kita ko na bahay ni Wavin.
“Eros."
Napatingin siya sa'kin. Sinabayan ko ang paghakbang niya pero nagsisi rin ako.
“Ang bilis mo namang maglakad!"
He hissed. “Is it my fault? Stupid."
Nagsalubong ang kilay ko at saka napasimangot. “Huwag na nga! Hindi ko na itatanong. Parang tanga."

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...