Meeting
“Bakit naman ganito ang nabungaran ko?!"
Nagmamaktol na naman si Timothy. Kagigising lang niya actually, katatapos lang din kumain pero eto kami ngayon papunta na sa Main Building.
Magaala-una na kasi. “Tanong mo sa nagnominate sa'yo."
“Kung sino man ang nagnominate sa'kin isa siyang malaking….."
Aba't! Pinandilatan ko siya ng tingin. Magmumura pa ata. Napahinto siya sa pagsasalita bago napasimangot.
“… .isa siyang malaking drugs!"
Pfftt, AHAHAHAHAHA. Gusto ko sana siyang tawanan kaso baka awayin ako kaya huwag nalang.
“ARRRGHHH! BABALIK NA 'KO! BABALIK NA KO!"
Nagwawala si Wavin! Agad naman siyang hinawakan nina Kin at Gray. Gustong bumalik sa building namin. Malapit na naman kami sa main. Susme, ayan tulog pa more!
“Dude, we're already here.” ani Kin.
“HINDI! BABALIK NA 'KO DON! ANG GANDA NG TULOG KO GAGANITUHIN NIYO KO?!"
I feel him. Napangiwi ako.
“We're already here. You don't have to be mad at them for voting you, they did it because they think you're fit for that position." Wika naman ni Gray.
Fit for the position? So, tingin nila nagampanan ko 'yung pagiging secretary ko nang maayos? Hindi naman nila ko iboboto kung hindi kaya pwede naman sigurong magassume diba?
Sinabi 'yun ni Zero kanina e. Speaking of Zero, nasa pinakang una pala siya.
“We're here." ani Zero.
~_~ - mukha ni Timothy at Wavin.
Humarap pa siya sa amin bago tumigil ang paningin sa akin. Nagtatakang tiningnan ko siya, what does that mean?
“You..”
Me? Napaturo ako sa mukha kong maganda. Anong meron sa'kin? Napatingin na din 'yung iba sa akin dahil don. Ba't palaging nasa akin 'yung atensyon. Gandang ganda talaga sa'kin 'tong mga 'to.
Akmang magsasalita na ulit siya nang higitin ako ni Gray papunta sa gitna nilang lahat. Nagugulat na tiningnan ko si Gray na nakahawak pa sa balikat ko. Seryoso ang mukha nya.
“For your safety."
My safety? “Babatuhin lang naman tayo diba? Kaya ko naman sanggahin 'yun."
Kumunot ang noo ni Gray.
“BABAE KA PA DIN, ANONG AKALA MO SA'YO LALAKI?”
“Dyan ka na kapag nahimatay ka don, konsensya pa namin." ani Kin.
Nakangiwing tiningnan ko sila. So, concern sila sa'kin? Talaga? “Kaya ko naman dzuh, lakas ko kaya." proud kong sagot.
“Tumahimik ka, liit mong 'yan. Dyan ka na!” singhal ni Tim. Ba't galit siya? Dinadamay ako sa init ng ulo, kakalbuhin ko siya mamaya.
Sumimangot ako. “Okayyy! Sige! Huwag kayong magalit para namang hindi tayo mga lalaki eh. Oh, tara na!” naglakad na ako pauna. Binitawan na din kasi ni Gray 'yung balikat ko kaso lalampas palang ako kay Zero e hinigit 'yung damit ko.
*COUGHS* “Papatayin mo ba ko?!”
Tumaas ang kilay nya. 'Yung itsura nya nanghuhusga na naman. “Dun ka sa gitna. Tigas ng bungo mo, Noburi.”

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...