抖阴社区

Chapter 125

115 3 1
                                    

Volleyball

Lalabanan ni Zero si Sir Steve.

Hindi pa rin nagsisink-in sa'kin pero yun ang totoo. Magkakalaban silang dalawa sa volleyball. Team Sport yun kay ang bawat isa ay merong limang team member, kay Zero at si Archer, Wavin, Gray, Tim at Kin samantalang ang kay sir naman na teammates ay si Nero, Rin at tatlo pang hindi ko kilala.

“Ano bang pumasok sa utak niya at naisipan niyang labanan si sir?"

Nac-curious ako kaya natanong ko kayna Corine. Nandito kaming mga babae sa may gilid samantalang nakapalibot naman ang mga lalaki kayna Zero.

Sinulyapan ko si Corine bago ibinaba ang bottled water na hawak niya. “Simple lang, may pinaglalaban siya."

“Alam mo naman siguro kung ano yun diba?" Dagdag pa ni Nadya.

Alam ko na ang ipinaglalaban ni Zero ay ang Class Z. Noon pa lang sensitive na sila sa mga ganitong topic. Mahirap sa kanilang magtiwala kaya nga hanggang ngayon hindi pa ako totally belong sa kanila. Alam ko 'yun kahit hindi nila ipamukha.

Kaya iintindihin ko siya. After all ginagawa niya 'to para sa Class Z. Pero hindi maganda itsura ni Zero eh! Gusto ko siyang pigilan kaso lang matigas ang ulo niya, feel ko din hindi siya makikinig.

Pumito na si Sir Steve. Napaayos ang pwesto ang mga egg warriors gayon din ang kabila. Yung ibang itlogz at student ng Class B ay nagsisilbing referee and such. May scorer din syempre.

Hindi ko alam kung sino ang mananalo pero kung titingnan mas may advantage su Sir. Mas maraming alam. Pero hindi rin naman dapat maliitin ang kakayahan ni Zero. Lalo pa't nakikita ko ngayon na nagkakaisa sila.

“1,2,3….CLASS Z!" Sigaw nila bago pumwesto na.

“Oh, may cheer sila." Komento ng nasa Class B.

“Let's start." Nagstretch pa si sir habang sinasabi 'yun.

“GO CLASS B!"

“CLASS Z! WHOOOOH!"

“SIR, GALINGAN MO! MAWAWALAN KA NG TRABAHO!"

Napaawang ang labi ko sa sinigaw nung isang tagaclass B. May point siya. Hindi sa kinakampihan ko si Sir Steve but I feel bad kung mawawalan siya ng trabaho. Hindi ko pa siya gaanong kilala, yes. Pero tumatak na sa'kin yung sinabi niyang tutulungan niya kami. Although nagdadoubt ako pero I think hindi naman tama kung mawawalan siya ng trabaho dito sa Noblesse High.

Walang isinagor si Sir kundi ang tipid na pagngiti. Maya maya pa'y humudyat na siya para magstart ang game. Na kayna Zero ang bola.

“Kinakabahan ako." Rinig kong wika ni Achylis.

Ako din. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa nangyayari.

Si Zero ang unang nagserve. Malakas ang pwersa Niya. Mabilis na nagtravel ang bola papunta sa kabilang side. Nakasunod ang bawat isa sa nangyayari lalo na nung mareceive ni Sir yung bola at maibalik sa side nina Zero. Ganoon ang nangyayari. Napapanganga nalang ako sa galing nila. Walang gustong magpatalo!

Kahit yung mga lalaki sa team ni Sir Steve ay magagaling din. Maging si Nero ay tila naging lalaki ulit. Pati na si Rin.

“Mine!"

Tumatakbo si Zero papunta sa direksyon ng bola. Mabilis na nakahabol siya at buong lakas na pinalo yun pabalik kayna Sir Steve. Mabilis na tumakbo sina Rin, Sir Steve at Nero sa kinaroroonan ng bola at……

HINDI NASALOO!

“Score!"

Napatayo ang buong Class Z maliban sa'kin nang makascore sila. Nakakamangha sila. Ang gagaling! Kahit si Sir na bihasa sa laro ay hindi nasalo 'yon.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon