Borderline
Maaga akong nagtungo sa school, kering keri lang naman lakarin. 15 minutes lang ang lakaran. Hindi na rin ako kumain, ang balak ko ay sa cafeteria nalang ng school.
Pagkarating ko sa building ng Class Z, may nagkakaingay.
Teka. Sino 'yung mga 'yun?
May nakita akong limang lalaki na binabato ang classroom namin! As in bato ang gamit.
Tumakbo ako palapit sa kanila.
Kung ano mang trip nila hindi sila nakakatuwa. Basag basag ang bintana ng Classroom, may mga bato pang nagkalat sa loob. Buti nalang talaga at nakakandado ang pinto.
“Hoy!” pagtawag ko sa pansin nila.
Iba ang color ng uniform nila sa uniform ko, tagaibang section ata ang mga 'to. Lakas ng loob, dumayo pa dito para manira.
“Sino ka naman?” ani ng isa sa kanila.
“Huwag ka ngang makialam dito.” dugtong pa ng isa.
Aba! Pinagiinit niyo talaga ang ulo ko.
“Huwag akong makialam? Eh, section ko din 'yan eh. Classroom namin 'yang binabato niyo.”
“Dito ka rin?” singhal sa'kin ng isa.
Jusko, mga abnoy ata 'tong mga 'to. Kasasabi ko lang kelangan unli?
“Oo nga, ulit──ARRGGGH!”
Malagkit!
Bigla nalang may itlog na nagliparan, may nambato ng itlog! Agad akong napalingon sa pinanggagalingan nito, may mga lalaking dumating. Kapareho ng uniform ko! May mga hawak silang plastik na may lamang itlog. Hindi ko sure pero nasa dose o trese ata sila. Shocks! Inpyerness, artistahin lahat. Lalo na 'yung tatlong nasa gitna.
Ay gagu! Inuuna mo pa ang kaharutan, Georgina!
Anyways, back sa eggs vs zombies. Napalayo ako ng onti dun sa limang lalaki na binabato ng itlog. Siguro nalaman ng mga kaklase kong 'to na may kababuyang ginagawa sa classroom namin. Kaya to the rescue sila!
O, takbo pala kayo eh!
Sinundan ko pa ng tingin ang mga lalaking nagtatakbo bago harapin ang mga egg warriors na sa tingin ko ay kaklase ko pala.
“Uh-hm.”
“SINO KA NAMAN?!”
Muntik na akong atakehin sa puso! Buset, lakas ng bunganga ng isang 'yon.
Kalma, Georgina.
“Ako si Georgina Astair Noburi──.”
“Hindi namin tinatanong ang pangalan mo.”
Napapikit ako sa asar.
Kaklase mo 'yan.
“Ako si Georgina Astair Noburi, transferee at dito ako nalipat na section.” mahinahon kong pagsagot sa tanong nila.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...