抖阴社区

Chapter 31

152 9 1
                                    

Best Leader

Nageecho parin sa utak ko ang sinabi nila at katulad kanina sumasakit parin ang puso ko kapag naiisip ang sinabi nila. Naaasar ako, naiinis. Gusto kong sabihin sa kanila na mali sila tungkol sa akin. Na hindi ako katulad ng nakikita nila. Na totoong nagkicare ako sa kanila ang kaso lang paniniwalaan ba nila ako? E, nakikinig lang naman sila sa leader nila eh.  Sa lider nilang magaling. Huh! Edi sanaol kung isang buong klase sila!

Edi sila na!

“Astair.”

Boses ni Spade 'yun. Dumating na pala siya. Nalaman niya na kaya ang nangyari? Papagalitan niya kaya ako o lalaitin katulad ng ginawa ng iba? Ipapamukha niya din kayang pakealamera ako? Hayy, bahala na.

Sinulyapan ko muna ang sarili sa salamin, namumula ang mata ko at medyo gulo din ang buhok ko dahil sa pagkakahiga. Hindi ako maayos tingnan pero maiintindihan naman niya siguro.

“H-hey.” bati niya pagkabukas ko ng pinto.

Tipid na ngumiti ako sa kaniya. Medyo nagulat pa siya nung una sa itsura ko pa pero ngumiti din agad siya.

“Even when crying you're still beautiful.”

Nambola pa. Nginitian ko lang siya ulit. Wala akong panahon para kiligin sa pambobola niya. Masakit pa ang puso ko eh. Tumatagos pa mga sinasabi ng Class Z.

“Bakit mo pala ako kinatok?”

“Oh, yeah. I just wanted to see if you're okay.” aniya. “I heard what happened. So, naisip ko baka kailangan mo ng kausap.” dagdag pa niya.

Buti pa 'to si Spade, mabait, gentleman. Samantalang 'yung mga nasa baba, mapanakit.

“Ayos na ako.” plastik pa akong ngumiti.

“I know you're not.”

Awtomatikong nangilid ang luha ko pagkasabi niya non. Syempre hindi ako okay! Hello, pinagtulungan lang naman ako ng isang buong klase. Paano ako magiging okay nun, diba?

“In behalf of my former classmates, ako na ang humihingi ng tawad sa'yo for them. Mababait naman talaga sila. Nabigla lang siguro."

“Hindi mo kailangang humingi ng tawad para sa kanila. Sigurado naman akong hindi rin nila gugustuhin na magsorry sa'kin. Tsaka ang tinatanggap ko lang na sorry ay 'yung galing mismo sa taong nakasakit sa'kin.”

Napakamot siya sa ulo dahil sa sinabi ko. “Uhm, sorry for that. Ano nalang gusto mo? Baka may gusto kang kainin or gawin, stress reliever mo, just tell me.”

Stress reliever ko?

“Gusto kong kumain ng chocolate ice cream habang nasa isang peaceful na lugar.” wala sa sariling sagot ko. Naoatakio agad ako sa bibig. “Huwag mo na palang intindihin ang sinabi ko, nagself talk lang ako."

“Don't be shy. Let's go.”

“T-teka!.”

Saan naman kaya kami pupunta ni Spade? Ni hindi ko man lang nasarhan ang pinto ng kwarto ko. Hindi ko rin naayos ang sarili ko. Gulo gulo pa ang buhok ko, jusko. Tapos hinihila niya ako pababa! Andon kaya 'yung mga Egg Warriors. Hindi la ako ready na makita sila.

“Spade, sa taas nalang tayo.”

Pagpigil ko kay Spade pero hindi ako pinapansin tuloy tuloy kaming bumaba sa malawak na hagdan at nagdirediretso sa baba. Madadaanan namin ang salas bago ang kusina na tiyak kong pupuntahan namin. So ibig sabihin ay makikita ko sila!

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon