Result
“Georgee! Nandito ka din. Bakit may sugat ka sa may labi? Sinong may gawa?!"
Nabungaran ko si Warren. Aligagang aligaga siya nang dumating kami. Kaya pala hindi ko siya nakita kanina kasi siya 'yung nagbantay dun sa isang lalaki.
“Kasi---."
“She needs to rest." Pagsingit ni Gray, hindi ako pinatapos sa sasabihin ko. Warren looked at me, worried. Nginitian ko lang siya to assure him na ayos ako.
Nandito kami sa may bench kung saan ko naiwan 'yung binili kong streetfoods. Pinaupo nila ako don.
“Gusto mo ng tubig?"
“GUSTO MO NG TUBIG?!"Sabay pa. Tumango ako sa kanilang dalawa na agad namang nagtatakbo papaalis. Naiwan ako kayna Warren, Archer, Gray, Zero at dun sa babaeng si Angel.
“Noburi."
Tinatawag ako ni Zero. Nilingon ko siya. “Hm?"
Parang may sasabihin siya pero hindi njya tinuloy. He shook his head. “Nothing. Nevermind."
Nangunot ang noo ko. Ano daw 'yun?
“Um, guys. Uuwi na ako."
Nilingon ko si Angel. Mayuming ngumiti siya sa amin lalo na kay Zero at Gray. “Salamat sa pagliligtas sa akin. Kahit na hindi na tayo magkaklase, inililigtas niyo pa rin ako." Ngumiti siya.
“Hindi pa rin kayo nagbabago.." Mahinhing tumawa siya.
Magkaklase sila dati?
“Ingat." Tipid na sagot ni Warren.
Hindi nakatingin sina Zero, Gray at si Archer sa kaniya.
“Uhm, Zero, Gray, Archer." Nahihiyang pagtawag niya sa tatlo. Nakapanood lang ako sa kanila. Sinulyapan siya ng tatlo.
“What?" Sagot ni Gray na ikinabago ng ekspresyon ni Angel.
“N-nothing." Tila nahihiyang wika nito. Hindi na siya uli tiningnan ng tatlo pero 'yung atensyon ko sa kaniya nakatuon. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa kanina.
Kung bakit nagkunwari siyang mag-isa lang siya. Kung bakit parang natutuwa siya. Gusto ko siyang tanungin pero ayokong magkagulo pa.
Saglit akong tiningnan nung Angel. Nagtama ang mata naming dalawa. Ngumiti siya. Napaawang ang labi ko. Nilapitan niya ako, she held my hands.
“Natutuwa akong okay ka."
Ngumiti siyang muli. Napipilitang ngumiti rin ako sa kaniya. Binitawan niya ang kamay ko at saka umayos ng tayo.
“I'll go."
Nakatitig lang ako sa bawat galaw niya. Akmang hahakbang na siya ng tawagin siya ni Zero.
“Angel." Madiin at may awtoridad ang boses niya. Mahinhing tiningnan siya ni Angel.
“Bakit, Zero?"
“Earlier…when I asked you kung mag-isa ka lang ba, why did you lie?" Tanong ni Zero na na ikinangiti nung Angel.
“Hindi ako nagsinungaling, Zero." mahinhing sagot niya, walang mababakas na kaba don. “Hindi ko talaga siya napansin. I thought she left already at ako nalang ang naiwam dun but I was wrong."
Mangiyak ngiyak na siya. Namumuo na ang luha sa mata.
“Bakit ganyan kayo tumingin?" Ani Angel, nangingilid ang luha. “Why are you doubting me?"

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...