抖阴社区

Chapter 85

132 5 2
                                    

Unmasked

“Don't you dare hurt my friend!”

Paulit ulit nyang sinusuntok si Yvo. Nakatulala lang ako sa kanila. Kanina nung 'yung locker 'yung nakita nyang sira hindi sya sumugod pero nung si Kin 'yung sasaktan, hindi sya nagdalawang isip na sumugod.

Hindi ko kayang manood pero hindi ko rin kayang hindi makita ang nangyari. Pagkatapos ng mahigit limang suntok ay itinulak ni Yvo si Zero. Sinuntok nya 'to pabalik na ikinasigaw naming lahat.

Nagsusuntukan na ngayon sina Yvo.

Sumugod na din ang ibang Egg Warriors, nung una dahil nga may dala silang pamalo, natatalo nila ang mga Egg Warriors pero eventually unti unti silang nadadaig.

“TANGGALIN NYO MGA MASKARA!” galit na sigaw ni Wavin na ngayon ay nakadamba sa lalaking binugbog nya. Tinanggal nya ang maskara at nakilalang isa 'yon sa estudyante ng Class B.

“Fuck!” napalingon ako nang marinig ang boses ni Tristan, kalaban nya si Gray. Nagsusuntukan din silang dalawa. Duguan na 'yung mga mukha nila.

Ganon din ang ayos ng lahat. Hindi katulad ng inaasahan ko, si Tristan at si Yvo lang ang kilala ko. 'Yung iba dito tagaClass C at B na.

Nastuck lang ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood sila. Hindi ko maintindihan. Paanong naaatim ng school na 'to na merong bugbugan na nangyayari. Ngayon lang ako nakakita ng school na ayos lang na nagkakasakitan. Sa dati kong school, may bullying din na nangyayari pero hindi ganito. Hindi ganito kagrabe.

“Aray!"

Napahawak ako sa braso ko nang may tumama dun. Bato? Pero this time mas maliit sa nauna. Nilingon ko 'yung nambato, siya na naman. 'Yung babaeng maikli ang buhok na nambato sa'kin kanina.

“Anong ginawa ko sayo?!” hindi ko na mapigilang hindi isigaw. She just tilt her head bago tumakbo kasama nung isang babae na nakamask din. Wala namang nakapansin sa kanya dahil busy silang lahat don sa walong natira.

“Shete..”

Sakit. Itinaas ko ang manggas ng damit ko. May dugo! Nagkasugat 'yung pagkakatama ng bato don.

“G-george, okay ka lang ba?” Tumango ako kay Achylis.

“Okay pa ako. Pero sila baka hindi na okay.”

Kanina pa sila nagpapalitan ng suntukan. Lalo na sina Yvo at Zero, ganon din sina Gray at Tristan. May kung anong pinaguusapan din sila.

“Si Kin?”

Nakalimutan ko si Kin! Umiiyak siya kanina. Kitang kita ko 'yung pag-agos ng luha nya kanina. Nasaan sya? Hinanap ng mata ko si Kin pero hindi ko siya makita.

Shit.

Nagtatakbo ako papasok sa loob ng Classroom. Hoping that Kin was there. Tinatawag ako ni Achylis pero nagtuloy tuloy lang ako.

“Kin?” pumasok ako sa loob ng classroom and felt relieved to see him. Nasa isang sulok siya. Tinatakpan nya ng kamay nya 'yung tenga nya.

“K-kin…”

Lumapit ako sa kanya, lumuhod ako para maging kalevel sya.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ngayon. Nalilito ako. He looks traumatized. Hindi ko alam kung paano ko siya iaapproach.

I really don't know but I'll still try.

“Kin.." Hinawakan ko 'yung braso nya pero tinulak nya ako. Natumba ako sa sahig dahil don. Sa mismong balikat kung saan tinamaan ako ng bato, dun pa nya ako tinulak. Napangiwi ako. Sakit.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon