Spade's Story
“Ayos ka na ba?"
Tahimik na siya, kanina pa. Nadepressed ata. Dapat kasi hindi nya nalang ginawang example 'yung sarili nya. Pero sabagay ayos na din 'yun, may nalaman ako tungkol sa kanya.
“I'm fine now. Thank you and sorry.”
Sorry? “Ba't ka naman nagsosorry?”
“Nabasa ata kita.”
“Ay, oo! Pati nga ata sipon mo, kasama eh." Bigla siyang namula nung sabihin ko 'yon. “Pero ayos lang, 'nukaba! Para ka namang others dyan.” iminustra ko pa 'yung kamay ko sa kanya na okay lang.
“S-sorry. Ghad, nakakahiya.”
Napangiwi ako. Pantanga lang. Ano namang nakakahiya sa sinabi nya?
“Wala namang nakakahiya don e. Lahat naman tayo may pinagdadaanan, may problema.”
“Yeah, but it's just me. It's embarassing!” napakamot pa siya sa ulo nya. Sinapok ko nga! Lol. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko, nangungunot pa 'yung noo.
“Why did you do that?" Tumataas pa boses, jusko.
“Nagtanong ka pa.”
Kabuset 'tong si Spade. Wala nga lang sa'kin 'yun e, tsaka wala naman siyang dapat ikahiya! Ako lang naman 'to.
“Fine, sorry."
“K.” sagot ko nalang na nagpatawa sa kanya. Addict ata 'to, kanina lang naiyak ngayon natawa na. Still, medyo gumaan 'yung pakiramdam ko seeing him laugh.
“Madam, Senyorito, eto na po 'yung meryenda nyo." Inilapag nung maid na medyo nay katandaan 'yung gatas, kape at tinapay. Nginitian ko naman 'yung maid.
“Salamat poo.” tumango lang naman si Spade at saka ako tiningnan.
“Let's eat.” binigay nya sa'kin 'yung gatas habang sa kanya 'yung kape. Umalis na din 'yung maid na nagdeliver non. Sosyal, sosyal kasi! Napangiwi ako. Kakakain ko lang! Susko.
“Tatanggi sana ako kasi katatapos lang natin kumain.." Tumigil ako sa pagsasalita at saka tinitigan 'yung mamahaling tinapay at saka 'yung gatas. “… pero dahil mapilit ka at mukhang masarap naman 'to, sige na nga!”
Aayaw pa ba? Pagkain na lumakapit, ayokong maginarte. Nilantakan ko na agad 'yung tinapay na nasa harap ko. Ganon lang din naman ang ginawa ni Spade.
“Spade, pwede ba akong magtanong?” punong puno pa 'yong bibig ko pero I managed to say those words.
“Ofcourse, you can ask me anything."
“Anything? Sure ka?”
“Yes. What is it?”
Humigop ako ng gatas bago magtanong. Tinitigan ko siya sa mata. “Ilang taon ka na?”
Nacurios ako sa edad nya since nabanggit nya na tumigil siya ng pagaaral. Ibig sabihin ahead sya samin ng ilang taon. Mas matanda siya sa'min.
“I'm 22 years old.”
O_O
22? 22 years old?! Omg.
“Hindi nga, 22 ka na?” tumango siya. Napatakip pa ako sa bibig ko sa sobrang gulat.
“Yes, I'm 22 years old."
“B-bakit, paanong nangyari?" Napatayo na ako sa upuan. Akala ko talaga 19 lang siya ngayon. Hindi ko alam na 22 na siya! Tatlong taon lang ang tanda ni Kuya sa kanya eh.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...