Guitar
“Kay Zero ba 'yung damit na suot nya?"
Oo, teh. Kay Zero 'to!
Busangot na naglakad ako papasok sa classroom. Pinagtitinginan na ako ng nasa loob pa. Sina Zero, Gray, Archer, Wavin at Tim ang nandoon. Nandon din ang grupo ni Corine.
Ba't di pa umuuwi 'yon? Tsk.
“Ayan na pala eh." Wika ni Tim na lumapit pa sa akin. “Teka, kay Zero ba 'yang suot mo na damit? Pati jogging pants!"
“PATINGIN NGA!" Hinawakan pa ako talaga ni Wavin tapos pinaikot. Napasimangot akong lalo. Nakailang ikot na pero hindi pa rin ako binibitawan ni Wavin.
“Sige pa." 'Yung mukha ko alam kong hindi na maipinta. Naiimbyerna ako kay Wavin. Kita nang puyat na nga ako, tapos hihiluhin pa ako!
“SORRY! GUSTO KO LANG NAMAN MAKITA 'YUNG LIKOD MO." Napatigil na sya sa pagikot sa'kin, nagkakamot pa ng ulo.
“Gusto mo palang makita, ba't hindi ka nalang nagsabi? Kesa ikot ikutin mo 'ko, hindi naman ako trumpo."
“Sorry na nga! Galit ka ba?"
Gusto pang sasabihan bago tumigil.
Inirapan ko siya. Nagtungo ako sa upuan ko at saka kukunin sana 'yung bag ko. Kaso nasa likuran nga pala 'yon. Basa. Nabasa nang dahil sa mga animal na 'yon.
“Iplastik mo! Eto oh." Wika ni Tim.
Kinuha nya 'yung bag ko at saka isinilid sa malaking plastik. Napabuntong hininga ako. Hindi na lang ako nagsalita kahit gusto kong tadtadarin ng mura 'yung trio ng Class Z.
“Why is she wearing your clothes? Wala bang damit sa clinic?" Tanong ni Gray.
“Oo nga, Zero! How dare her!"
Ako pa talaga? Si Zero kaya 'yung nagpahiram tapos ako sisisihin.
“The clinic is closed."
Edi sana binuksan mo! Tutal hawak hawak nya naman 'yung maraming susi. Tsk.
“What about that keys?" Rinig kong hirit ni Corine.
“Not for clinic.”
Tch.
Itinaas ko na 'yung malaking plastik na pinaglalagyan ng bag ko at saka naglakad na palabas ng room. Wala akong balak sumabay sa kanila pauwi, baka masapak ko lang sila.
“Uuwi ka na? Sabay ako!"
“AKO DIN!"
Pinabayaan ko nalang sumabay sa'kin sina Tim at Wavin. Tutal boring din naman maglakad mag-isa. Atleast may tom and jerry akong kasama 'diba? Hindi boring.
“Tara na din, Zero!" Pagaya ni Corine kayna Zero.
Napangiwi naman ako. Mamaya na kayo umalis!
“Let's go, Archer, Gray." Wika naman ni Zero na hindi pinansin si Corine.
Pfft. Kawawa.
Bago kami makalayo kita kong nilock na ni Zero 'yung pinto ng classroom. Para dun pala 'yon.
“Saan ka magstay, George?”
Hmm, saan nga ba? Wala naman akong ibang mapupuntahan dahil nga sinarado ni kuya 'yung pinto. Siguro tatambay nalang ako sa playground?
“Tatambay nalang ako sa playground. Magduduyan nalang ako tapos dun nalang din ako tutulog.”
“DELIKADO KAYA DUN!" Sigaw ni Wavin.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...