抖阴社区

Chapter 131

141 6 6
                                    

Numb

Napasinghot ako.

Sa sobrang pagiyak ko, sinipon na 'ko ng sobra. Basa pa 'yung damit ni Zero. Nakakahiya. Nahihiyang nilingon ko siya. Nakaupo siya sa isang upuan habang ako naman ay nakatayo.

“Eros, b-basa 'yung damit mo."

Itinuro ko ang damit niyang basa. Pilit na ngumiti ako sa kaniya pero alam kong naging ngiwi lang 'yon. Jusme, hindi ko naman kasi talaga sinasadya. Nadala lang ng bugso ng damdamin. Sabi niya kasi pwede akong umiyak, ayan tuloy.

“I know."

Napakamot ako sa ulo. “Pasensya ka na. Sabi mo kasi umiyak, ayan tuloy."

“Wala naman akong sinasabi, Noburi. Why so defensive?"

Oo nga. Napanguso ako. Tama naman siya. Eh kaso lang baka biglang umandar na naman 'yung pagkamasungit niya. Tapos pagbayarin niya 'ko ng damit niya o 'di kaya ay paglabahin. Masakit pa naman kamay ko.

“Sinasabi ko lang. Alam mo na, mas mainam na sigurado."

Umupo ako sa may upuan kaharap ng upuan niya. Hindi mapakaling pinadyak padyak ko ang paa ko. Arrgh! Hindi ako makatingin ng diretso sa mata nya, kaasar!

“Can you stay still?"

“Huh?" Maang na tiningnan ko siya pero agad ding napaiwas ng tingin. “U-uh, oo."

Itinigil ko ang pagpadyak. Naiilang ako sa kaniya hindi ko tuloy magawang makipagtalo. Madami din kasing gumugulo sa utak ko. Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya 'ko niyakap. Bakit niya 'ko kinomfort. Bakit nagstay siya kasama ko at nakinig sa mga hinanakit ko.

Gusto kong itanong lahat ng 'yon sa kaniya.

“Noburi."

Gulat na tiningnan ko siya. “Impakto ka!"

Nangunot ang noo niya. Napanguso ako. Impakto naman talaga e.

“How does it go with Kin?"

Ay. Sa dami ng itatanong, ito pa. Napabuntong hininga ako bago napahalumbaba. “Hindi okay."

“What happened?"

“Tinataboy niya 'ko. Ayaw tanggapin 'yung sorry ko."

Ang tigas ng puso sa'kin ni Kin. May sakit na nga sobrang taas pa ng pride, ni ayaw magpatulong sa'kin. Para akong may sakit kung ituring niya, ni ayaw niyang magpatulong.

Napadako ang tingin ko sa kamay ko, medyo namumula pa 'yon pero hindi na katulad kanina. Napabuntong hininga ako.

“You okay?"

Naguguluhang tiningnan ko si Zero. May sakit ba siya?

“Okay ka lang ba?" Balik tanong ko sa kaniya.

Nangunot ang noo niya. “I'm perfectly fine."

“Perfectly fine? Talaga? E, ba't parang iba ka ngayon. Ang bait bait mo e!"

Ibang Zero ata 'tong kaharap ko. Yung kilala kong Zero hindi ako ikocomfort baka nga laitin pa 'ko e. Pero that's his impakto version. Baka naman nagbago na talaga't nakakita na ng liwanag.

“Tsk, I'm not even close to being kind." Suplado niyang wika sabay iwas ng tingin. Napangiti ako.

“Nakakapanibago ka."

“What do you mean?" Nakataas pa ang kilay niya.

“Sobrang laki ng pinagbago ng pakikitungo mo sa'kin."Napahalumbaba ako.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon