抖阴社区

                                    

Sisihin pa 'ko, galing!

“5 MINUTES!” aniya.

“What?!”

Lol, sa 5 minutes na 'yun kumakain palang ako. Anong akala niya sa'kin robot?

“Wavin..” ate niya.

“FINE, 20 MINUTES! GO, AND TURN OFF THAT FUCKING PLAYER, ANLAYO PA NG PASKO FOR GODDAMN SAKE!”

Shet, oo nga pala! Nahiya ako bigla. Natripan ko lang kasi patugtugin kahapon. Nalimutan ko palang patayin.

“Uh-hm, hehe. Pasok po muna ako. Bye po, bye Shin.” paalam ko bago kumaripas ng takbo papasok.

------------------------_

“ALAM MO ANG BAGAL MO.”

“Alam mo din ang atat mo.” balik lait ko sa kaniya.

Pinakamabilis ko na nga 'yun eh. Usually nga inaabot ako ng 30-40 minutes sa paghahanda. Pasalamat nga siya sinunod ko 'yung 20 minutes na sinabi niya.

“BILIS, LAKAD!”

Animal! Hanep. Pagtulakan daw ba ako? Kita ng nagsusuklay 'yung tao eh.

“Alam mo daig mo pang sindikato, makatulak ka wagas. Babae ako paalala ko lang sa'yo.” sumbat ko sa walanghiya.

“WHATEVER!” 

Inunahan na niya ako sa paglalakad. Napailing na lang ako. May sira talaga 'yun sa utak, sure na 'ko. Magkaibang magkaiba sila nung ate n'ya eh. Pinaglihi ata 'yun sa sama ng loob. Hayy, ewan ko na sa kaniya!

Nandito na pala agad ako.

Noblesse High, magdadalawang linggo na pala ako dito. Ang bilis ng panahon. Andaming nagbago sa buhay ko mula ng mapapasok ako sa school na 'to, mula ng mapapasok ako sa Class 4-Z. Ang hindi lang nagbago ay ang trato sa'kin ng karamihan sa kanila, lalo na nina Zero. Trip na trip nila akong paalisin, kulang na nga lang ay kaladkarin nila ako palabas ng pinto.

Kung akala nila ay mapapasuko nila ko dahil sa pagtataboy nila sa'kin ay hindi. Dzuh, nagkunwari lang akong walang pakealam pero ang totoo niyan humahanap lang ako ng tyempo.

Andami ko pang kailangang malaman, humahanap pa ako ng mga tutulong sa'kin. And unfortunately, wala pa akong nakikita. Si Tim kasi seryoso sa kondisyon na sinasabi niya. Ni hindi nga ako kinakausap kapag binubuksan ko 'yung topic about sa Class Z punishment and such eh.

“Ikaw ba si Georgina Astair?”

Malapit na ako sa may building ng Class Z ng biglang may humarang sa'kin. Isang babae. Matangkad siya at malaki ang katawan, halatang athletic. Nakaplain white shirt siya at pants, hindi ko tuloy malaman kung saang section siya. Ano naman kayang kailagan niya sa'kin?

Nagaalinlangan pa akong sumagot, baka kasi resbak 'to ng kaklase ko o 'di kaya'y tagaibang section.

“A-ako nga. Anong kailangan mo sa'kin?”

Humakbang siya palapit sa'kin. Gustuhin ko man umatras ay hindi ko na ginawa, baka kasi akalain niyang natatakot ako sa kaniya. Lalo akong pagtripan.

“Pinapatawag ka ng president namin.”

Bakit? President ng anong section? Wala naman akong ginagawa ah.

“Huwag kang magalala hindi kita sasaktan.”dagdag pa niya, napansin siguro niya na sobrang dami kong katanungan. At hindi ko bet na sumama sa kaniya.

“Sure ka?” paninigurado ko.

Tumango naman siya. Huminga ako ng malalim at saka sumunod sa kaniya. Alam kong mali 'tong desisyon na gagawin ko. Pero sa tingin ko sa pagsama sa kaniya at pagharap dun sa president nila ay may malalaman ako. Alam ko, naniniwala ako. Sana meron.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon