抖阴社区

                                    

Tinahak namin ang daan papunta sa main building, kung saan nandoon ang lahat ng year and sections. Pati mga professor at administrators. Ngayong lang uli ako makakapunta dito. Saglit ko lang din kasing nakita 'tong main building.

“Sino siya?.”

“Diba siya 'yung transferee, anong ginagawa niya dito?.”

“Pfft, pangahas.”

Sari-saring lait at komento ang natanggap ko mula sa mga students dito sa Main Building. Nakasunod ang tingin nila sa akin, kung anong gagawin ko. Saan ako pupunta. Naiilang na nga ako eh. 'Yung mga mata nila nanghuhusga. Napahawak ako sa bag ko at saka napabuntong hininga.

Taas noo akong naglakad sa hallway. Sinasalubong ko din ang mga matang tumitingin sa'kin. Bakit naman kasi ako mahihiya e wala naman akong ginagawang masama? Isa pa, pare-pareho lang naman kaming estudyante dito maski pa sa Class 4-Z ako. That doesn't change the fact that I'm also part of this school. I have my own rights kaya wala akong dapat ikahiya.

Sinundan ko lang 'yung babae. Lumiko siya sa sa likuan at saka huminto sa malaking kulay black na pinto. Kumatok siya at bigla namang bumukas ang pinto. Hindi ko maiwasang hindi mamangha. Shala, talaga ng mayayaman!

“Noblesse Council Room.”

Council Room?

So, 'yung president na tinutukoy niya ay…

“Welcome to SSG Council's Room.” nakangiting bati sa'kin ng isang lalaki. Mukha siyang aning na nakashades ket nasa loob naman, idagdag pa ang kumikinang niyang uniform na may nakasulat na 'President'.

Nagpalinga linga ako sa paligid. Ang laki ng council room, wala ring ibang tao bukod sa president. Humakbang ako papasok, siya namang pagalis nung babae na nagtawag sa'kin. Sinarado niya rin 'yun pinto. Kinabahan ako bigla, kaming dalawa na lang dito nung President.

“Pardon for my behavior, allow me to introduce myself. I am Renero Abarques, you can call me 'Nero'.” ngumiti siya sa'kin at saka tumayo sa swivel chair niya.

Kinabahan ako sa hindi malamang dahilan.

“Please, take a seat.” itinuro niya pa ang sofa sa may gilid. Agad na tumanggi naman ako. Hindi ako sumama dito para umupo at tumambay kasama niya.

“Bakit mo ko pinatawag?” diretsang tanong ko.

Napangisi naman siya dahil don. Halata sa mukha niya na inaasahan niya na ang reaksyon ko.

“Bakit nga ba? Do you have any idea?” bumalik uli siya sa pagkakaupo.

Tch. Ginawa pa akong manghuhula.

“Mr. President, huwag na tayong magpaligoy ligoy pa. Masyado na akong late sa klase ko so pakibilis nalang sana.” madiin kong sabi.

Napahalakhak naman siya. Ano namang nakakatawa sa sinabi ko, aber? Seryoso kaya ako tapos bigla niyang tatawanan.

“Before I say it, may gusto ka bang sabihin sa'kin?”

Sabihin? Bukod sa nakakasilaw 'yung uniform niya wala na naman.

Ay meron pala!

“About sa punishment sa Class 4-Z..” tumigil ako sa pagsasalita. Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya, humalumbaba siya. Hinihintay ang sasabihin ko. Napalunok muna ako ng laway bago pinagpatuloy ang pagsasalita.

“Alam mo naman sigurong hindi nakatarungan 'yung punishment 'diba? Gusto kong isuggest na alisin 'yung punishment na 'yon.”

SSG President siya kaya alam kong makakaya niyang alisin ang punishment na 'yon o 'di kaya'y itaas sa sa mga professor, principal o kung sino man na nagpatupad. Wala akong alam sa kung paano sila kumikilos, ang alam ko lang mali 'yung napili nilang solusyon at dapat 'yon tigilan.

“I see.” pagak niyang sabi. Inalis niya ang shades sa mata at saka ako pinakatitigan. “Gusto mo bang makaalis sa Class 4-Z?.”

Nagulat ako sa tanong niya. As in seryoso ba siya? Tinatanong niya ko niyan? Aba, oo naman gusto kong makaalis sa section na 'yun. Gusto ko ng normal na buhay estudyante.

“Seryoso ka ba sa tanong mo?.”

“Mukha ba 'kong nagbibiro, Miss Noburi?.”

Napatikhim ako. Biglang nagiba ang tono ng pananalita niya.

“Oo, gusto kong makaalis sa section na 'yun.” tugon ko na ikinalaki ng ngiti niya. Which really looks creepy. Kinilabutan ako bigla. Mukha siyang may pinaplanong hindi maganda.

“Are you willing to be one of my alliance? I'll assure you na hindi ka masasaktan.”

Nagtatakang tiningnan ko siya.

“Bakit kelangan mo ng tulong ko?.”

“You hate them right? Class 4-Z students. Palagi ka nilang sinasaktan, binubugbog. Not just physically but also emotionally. Now, this is your chance para gumanti sa kanila.”

Gumanti? Totoo ba 'to? Makaganti na ako sa kanila?

“Anong kailangan kong gawin?” mabilis kong sagot.

Eto na ang pagkakataon ko.

“All you have to do is do as I say and break their bonds.”

“Sounds simple.”

So, ganito pala kalaki ang galit nila sa Class Z. Pati SSG President galit sa kanila. Gusto silang pabagsakin.

“Bakit naman malaki ang galit mo sa kanila?” I asked him. Sigurado akong may pinaghuhugutan ang siya ng galit niya, may rason kung bakit ganon.

Nagalab ang mga mata niya at kitang kita ko kung paanong nagiba ang emosyon niya

“They ruined everything.”

They ruined everything? Ano ang sinira ng Class Z na ikinagalit ni Nero? Naguguluhan ako. Andaming pumapasok sa utak ko. Mga katanungan na lalong nadadagdagan.

“So, are you willing to be my aliance?”

Nabalik ako sa katinuan ng magsalita siya. Hinihintay niya ang sagot ko. Confident na confident pa siyang nakatingin sa'kin. I smiled at him.

“That.. is not going to happen.”

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon