抖阴社区

                                    

“It's me Tim, your friend.”

My friend? Wow.

“Sorry, wala akong kaibigan na Tim ang pangalan.” matigas kong sabi. Medyo nangingilid din uli 'yung luha ko. Nabubuset na naman ako. Pakening shet.

“George--.” akmang lalapit siya sa'kin pero inamba ko ang gate pasarado. Pinigil naman 'yun ni Gray.

“Listen to what we have to say first.”

Napaikot naman ang mata ko. Ano pa bang hindi nila nasasabi? Manghuhusga na naman ba sila? Kulang pa ba?

“Panlalait na naman ba 'yan? Kung sakit ng loob na naman 'yan, huwag na. Kotang kota na 'ko diyan. Kita mo nga 'tong mata ko magang maga na eh.” itinuro ko pa ang mata ko.

Umiling naman si Gray. “No. It's something important.”

Tiningnan ko si Gray, waiting for him to say what important things they have to say.

“PWEDE BA? PAPASUKIN MO MUNA KAMI.” pagsingit ni Wavin. I glared at him, masyadong bida bida. Makalait sila na bida bida ako, e 'to naman palang si Wavin ang kamaganak ni Jollibee.

“Pasok, bilis. Double Time!.” inis ko sabi sa kanila.

Buset na mga lalaki 'to. Sabi ng double time lalong ambagal ng kilos. Tss. Pagkapasok nila ay sinarado ko na ulit 'yung pinto.

Sa sala ko sila pinapunta. Tuloy tuloy na umupo sina Wavin at Gray na akala mo'y sariling nilang bahay. Wow, feel at home mga kupal. Si Tim naman ay nakatayo padin.

“George.” pagtawag niya.

“Anong gusto niyong inumin?.” nginitian ko sila na ikinataas ng kilay nila.

“Juice na may lason, tea na may lason, kape na may lason o tubig?.” I smiled at them, nangaasar. Nakita ko ang pagguhit ng kaba sa mukha ni Tim, samantalang galit naman akong tiningnan ni Wavin, si Gray naman pinipigil ang tawa.

“HINDI NAMIN KELANGAN NG MAIINOM, SIT DOWN!.” utos sa'kin ni Wavin, sabay taas ng paa sa mesa. Inis na pinalo ko naman ang paa niya. “Pakibaba 'yang mabaho mong paa.”

Umupo na din ako, ganon din ang ginawa ni Tim. Magkakatabi sila sa sofa habang ako naman ay kaharap nila.

“So, anong sasabihin niyo?.”

Bilis! Siguraduhin niyo lang na impprtante talaga 'yan.

“About sa bumugbog sa'yo. He's not the real SSG President.”

What? Hindi pala si Nero? 

“Louis Abarques is the real president, si Nero Abarques ay kapatid niya. Bakit ka nga ba niya pinatawag?.” tanong sa'kin ni Gray.

Inalala ko 'yung mga napagusapan namin bago niya ako sipain. Yeah, he's talking about making me his alliance.

“Nagoffer siya sa'kin.” kita ko na focus na focus sila sa sasabihin ko. “Sabi niya, he wants to make me his alliance. Gusto niyang sirain ko ang bond ninyo. When I asked him kung bakit siya galit sa Class Z, ang sabi niya 'They ruined everything'.”

Napatango tango naman sila. Tila ba nagegets nila kung bakit nagkakaganon si Nero. Alam nila 'yung reason at gusto kong malaman.

“And you agreed to be his alliance?.” Wavin ask me. Mahinahon ang boses niya.

“Siraulo ka ba? Kung pumayag ako sa tingin mo bubugbugin nila ako?.” inis kong bulyaw sa kanila.

Sila lang naman 'tong walang tiwala sa akin eh. Puro kasi sila 'di ka belong dito, 'di ka bagay dito.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon