“Yeah.” sangayon naman ng dalawa.
Bale ang napagusapan namin ay tuwing Mon-Fri after class ay didiretso kami sa assigned meeting place namin. Then start na magturo si Lolo ng 7 pm. Sabi niya kasi pipili nalang siya ng lugar na malapit sa mga bahay namin. Then kapag sabado at linggo naman ay sa Mansion kami ni Lolo, dun daw magsleep over para the whole day ay makakapagturo siya. Oh, diba? Stressing!
------------------*-*
“Hoy, abo!.” sigaw ko pagkakita kay Gray sa may labas ng pinto ng classroom. Nakasalamin siya at as usual may hawak na namang libro. Nilingon niya ako tapos tumalikod ulit. Ay! Snobber.. Sabi ko nga, hindi naman kami friends para pansinin niya. Napayuko nalang ako.
“Pfft, HAHAHAHAHAHA.”
“Feeling close kasi, lol.”
“Boom, buti nga.”
Kaya pala may masamang hangin akong naaamoy, andito pala 'yung mga mean girls ng klase, mga amoy utot! Babaho ng ugali, umaalingasaw.
“What?.” ani Gray na lumapit sa'kin. Inayos lang pala niya 'yung sintas ng sapatos niya. Napatanga naman ako agad. Ngiting ngiti ko siyang hinarap.
“Kanina ka pa ba?.” Ngumiti ako sa kaniya. Bored namang umiling si Gray.
“Nah, just go here.” sagot niya. Waahahhaha! Sinagot ako ni Gray, kinausap niya 'ko.
Rinig ko ang bulungan ng mean girls na sina Mindy, Corine, Olyvia at Nadya. Hindi sila makapaniwala na kinakausap ako ni Gray, paano nga naman nung isang linggo lang kasama pa si Gray sa nambubully sa'kin. Tapos ngayon, lolo ko na siya este tropapits na kami.
“Boom, panes!.”pangasar ko sabay dila sa apat.
Inis na inis naman nila akong tiningnan. Susugudin pa ako ni Olyvia pero hinila ko na si Gray papasok ng room. Nadaan pa namin sina Zero na naghahasik na nang lagim, inirapan ko lang siya. After ng pimagsasasabi niya sa'kin kahapon? Tse!
Dinala ko siya sa may sulok ng room. “What?.” kunot noo niyang tanong.
“Paano ako nakarating sa bahay?.” bulong lang 'yon. May mga chismosa kasing umaaligid sa amin.
Paggising ko kasi kaninang umaga nasa kwarto ko na ako. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok don. At saka 'yung susi, hindi naman nila alam kung saan ko nilagay eh.
“Binuhat kita”
W-what? Binuhat niya 'ko?! Nanlalaki ang matang tiningnan ko siya.
“Yes, you heard it right. Binuhat kita kasi nga tulog ka. Tulo pa nga laway mo eh kadiri. Tsaka ang bigat bigat mo, magbawas ka naman ng kain. One more thing, keep your keys on a more safe place. Maski bata malalaman kung saan mo nilagay 'yung susi eh.” sunod sunod niyang lintanya.
Pakening shet!
“Hindi nga?!.” hindi makapaniwalang tanong ko. Tumaas narin ang boses ko kaya napapatingin samin 'yung iba.
“Tss.”
Tss. Lodi talaga kausap nitong si Gray. Astig, whoooo!
After niya 'yung sabihin tinulak niya na ako sa upuan ko then umupo siya sa upuan niya na nasa left side ko, si Tim kasi 'yung nasa right side ko then 'yung nasa unahan ko ay si Archer, si Zero naman ang nasa likod ko. Tapos katabi ni Gray si Wavin. Oh, diba? Feel ko nasa dagat dagatang apoy nga ako dati eh, kapag kasi pinagtitripan nila ako ay wala akong lusot dahil nasa gitna ako.
“Hah, isa na namang dukha ang aahon sa hirap.” pagpaparinig ni Olyvia na kapapasok lang sa room.
Dukha daw? Hindi naman kaya ako duks na duks 'no! Tsaka kinausap lang ako ni Gray nakaahon na agd sa hirap? Ni hindi nga nanlilibre 'to eh. Ignore mo, George.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 11
Magsimula sa umpisa