抖阴社区

                                    

“George!.” napalingon ako ng may tumawag sa'kin. Si Tim! At kasama niya si Wavin na mukhang zombie. Hindi din ata nakatulog ng mahimbing.

“Wait, Tim!.”

Napataas ang kilay ko nung pigilan siya ni Nadya, nasa may pinto kasi 'yung apat. Saktong dumating sina Tim, nakahawak sa braso ni Tim si Nadya.

“UNA NA 'KO, DUDE.” ani Wavin at nilampasan sila. Dumiretso siya sa upuan niya, sinamaan pa ako ng tingin. Inirapan ko lang siya at saka binaling ang atensyon sa dalawa.

“Why are you calling her? I thought hindi na kayo magkaibigan?.” maarteng tanong ni Nadya. Seryosong tiningnan naman siya ni Tim.

Oh, sagutin mo 'yon! Ewan ko ba akala ko din eh hind na kami magkaibigan pero bigla nalang nangyari na gumaan ang loob ko sa kaniya then boom, bati na kami agad.

“Who told you that? We're friends. That misunderstanding yesterday? Naayos na 'yun. Okay na ulit kami.” nilingon ako ni Nadya pagkasabi ni Tim non. Inis na inis niya akong tiningnan.

I mouthed 'what' at her, aba wala naman akong ginagawa. Si Tim naman 'yung sumagot hindi ako.

“Okay na ulit kayo?.” nagulat ako ng biglang sumingit sa paguusap si Zero. Tumayo siya sa pagkakaupo niya sa lamesa sa unahan, naglakad siya palapit sa'kin.

“Ano bang meron sa babaeng 'to at sinusuway niyo 'ko?!.” sigaw ni Zero. Galit siya, halata sa mata niyang galit siya. Bigla akong kinabahan.

“Zero, you don't understand.” sagot sa kaniya ni Tim.

“NO, YOU DON'T UNDERSTAND!.” naplaunok ako ng laway sa pagkakasigaw ni Zero. He's..dangerous. Parang gusto kong tumakbo palabas, palayo sa kaniya.

“I told you na layuan niyo 'tong babaeng 'to. Our goal is to make her leave this section but what now? Bakit niyo kinakaibigan?!.”

Paalisin ako? Wow, they even had a meeting about it pala. Para lang mapaalis ako, wow!

Napatayo sina Gray and Wavin sa upuan nila ng bigla akong kwelyuhan ni Zero, halos umangat na 'yung paa ko sa sahig. Ang higpit ng pagkakahawak niya. Naalarma naman ang iba pang kaklase namin, maging si Archer ay lumapit, kagigising lang.

“Aren't you ashamed of yourself? Pilit ka na naming pinapaalis pero nagsusumiksik ka parin. Ang kapal naman ng mukha mong babae ka.” galit na galit ang mata niya. Napahawak ako sa kamay niya na nakahawak sa kwelyo ng uniform ko. Nagteteary eye na ako dahil sa higpit nito. “Now, masaya ka na? Sinisira mo ang section na 'to. Sinisira mo ang bond namin--.”

“Kayo mismo sumisira ng bond niyo, ng section na 'to. Sarado kasi ang mga isip niyo, ayaw niyong makinig!.” napaubo ako. Putanginams! May balak ata siyang patayin ako.

“Zero, stop that.“ani Archer na pilit tinatanggal ang pagkakahawak ni Zero sa'kin.

“Bitawan mo si George!.” iritableng sigaw namin ni Tim na ayaw pakawalan ni Nadya.

“Let go of her, dude!.” si gray na nasa likod ko.

“MAGPAKALALAKI KA!.” ani Wavin na ikinataas ng kilay ko. Parang kelan lang kinwelyuhan niya din ako ah, tss.

“Are you all fucking insane?! Kinakampihan niyo 'tong babae na 'to over me?!.”

“No, it's just that mali 'yang ginagawa mo.” mahinahong ani ni Archer.

Sige! Magtalo talo pa kayo! Feel ko mawawalan na ako ng hininga, putanginams talaga. Mas lalong humihigpit pagkakahawak niya sa kwelyo ko eh, nasasakal na ako.

“Zachary Eros, stop that!.”

Zachary Eros? Sino 'yun?

Biglang pumasok 'yung teacher namin, agad naman akong binitawan ni Zero. Dirediretsong napaupo ako at napaubo. Napahawak din ako sa leeg ko, ghad muntik na ako dun!

“Fuck you all.” pagmumura niya bago lumabas ng room, sumunod naman sa kaniya sina Archer at dalawa pa naming kaklase na hanggang ngayon hindi ko pa alam ang pangalan.

Agad naman akong nilapitan ni Tim.

“Are you okay?.” tanong ni Gray sa'kin. Tinanguan ko lang siya. Hindi ako makapagsalita dahil andito parin 'yung kaba. Ibang klase si Zero, ibang klase siya magalit. Nakakatakot. Parang kakainin niya ako ng buhay kanina eh. Kulang nalang nga sapakin niya ako.

“BALIK SA UPUAN!.” sigaw ni Wavin sa kaklase naming nakatanga parin. Kanya kanya namang balik sa upuan sila, natakot ata. Si Nadya naman binato pa 'ko ng papel. Sinita tuloy siya ni Gray.

Whoo, what a day!

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon