“Ay!.” tinulak ako nang lalaking tagasection B, lilingunin ko pa sana sila kaso sinarado na 'yung pinto. Tsk!
“Please, sitdown.” Mahinahon subalit maawtoridad ang boses niya. Maamo ang mukha niya pero makikita mo ring strikto siya. Bawat salitang binibitawan niya ay may awtoridad. Nakasalamin din siya at may hawak na abaniko sa kaliwang kamay. Walang kahit na sino sa Guidance Office, tanging kaming tatlo lang ang tao.
Napaupo naman agad ako, kaharap ni Zero na nakataas ang kilay sa'kin. Parang sinasabi niya na huwag akong gumawa ng katanghan. Pinandilatan ko naman siya.
“You're both here to clear the misunderstanding about the incident yesterday.”
Misunderstanding?
“Anong ibig niyo pong sabihin na misunderstanding?.”
Hindi ko maintindihan. Anong misinderstanding ang sinasabi niya? What happened yesterday obviously isn't just a misunderstanding!
Tipid na nginitian niya ako. “Miss Noburi, right?.” Tinanguhan ko lang siya bilang pagsangayon.
“We went on the area. Then someone approached us, witness
sa nangyari. And that witness said that there's no culprit.” aniya.Nanlalaki ang matang tiningna ko ang Guidance Counselor. Gayundin si Zero na iritableng nakatingin sa'kin.
“No, Miss. I definitely saw that man. Nakamaskara siya katulad nung maskara nang mga nambato sa'min noong punishment!.”
“Ms. Noburi, calm down.”
Tinaas baba niya pa ang kamay niya, guiding me and telling me to breath. Pero no! Hindi ako kakalma, naiirita ako!
“The witness said, it was Zero. Si Zero ang nagkalat ng Gas before he went inside. Then he also put the stock room on fire.” ani Miss Devilla na parang siguradong sigurado siya.
PUTANGINAMS!
“Miss naman! Naniniwala talaga kayo sa ganyang kwento? That was obviously a lie. Tsaka pano po 'yun mangyayari, magkasama kami ni Zero dun sa loob. Gumawa pa nga siya ng paraan para makatakas kami eh-----.”
“To make you not suspect him. That's the only reason.”
I scoff. “Hindi po ako nagsisinungaling. Sinasabi ko sa inyo na walang kasalanan si Zero, it was that masked man!.”
Tumaas na ang boses ko. Nanggigigil ako sa kaniya, sa witness kuno nila. Sa school na 'to. They are so bias! They only listen to what they want to hear.
Tiningnan ko si Zero parang bored na nakikinig lang siya habang nakaupo. Wala rin siyang balak magsalita o 'di kaya'y ipagtanggol ang sarili niya.
“If it isn't Zero, then sino sa tingin mo?.”
Napalunok ako. Ang mga mata ng Guidance Counselor, nanghahamon. Parang confident din siya na wala akong massabing name at mapapahiya ako.
“Ti-tingin ko C-class A 'yun!.” napatingin ako sa baba, nagiisip. "O 'di kaya'y 'yung Nero, Nero Abarques!.”
Ba't ako nauutal?
“You know that it's bad to accuse someone, right?.”
I was caught off guard. Napakagat ako sa lower lip ko at saka siya uli tiningnan. “Alam ko po, pero sila lang 'yung naiiisip ko na pwedeng gumawa nun.”
Napa'oohh' naman siya. “Really?.”
Ano bang sasabihin ko?
Sinenyasan ko si Zero na tulungan ako pero umiwas lang siya ng tingin sa'kin. 'Nak ng! Animal talaga 'tong lalaki na 'to, siya na nga 'tong tinutulungan eh.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 14
Magsimula sa umpisa