“Ayos ka lang?.”
Kawawa naman siya. Buset na Zero 'to!
“I-I'm fine.” mahinang sambit ni Spade nakaakbay siya sa'kin at kay Tim.
I'm fine daw! Obvious namang hindi. Natampal ko ang sariling noo, ba't ka pa kasi nagtanong Georgina?
“Nangingialam ka na naman!.”
“Kasi hindi na tama ang ginagawa mo!.” inis kong bulyaw kay Zero.
Tumayo si Zero at saka pilit na inaalis ang kamay ni Corine na umaalalay sa kaniya. Akala ko pa naman natauhan na siya don sa suntok ko hindi parin pala.
“Sino ka naman para pagsabihan ako kung anong dapat kong gawin? You're just a fucking nobody!.” gigil niyang sigaw.
Fucking nobody daw? Hah, oh tapos? Akala niya papatulan ko siya? Ulol, mamatay siya sa inis at galit wala akong pake.
“George, huwag mo nang patulan. Halika na, ipasok na natin si Spade sa loob.” pagpigil sa'kin ni Tim, tumango naman ako.
Ignore mo nalang, George!
Nang mapaharap ako sa Class Z ay nagugulat na tiningnan lang ako ng iba sa kanila. Nalimutan ko na nandito nga din pala sila. Di bale, sigurado naman akong malilimutan nila 'yung ginawa ko. 'Yung ginawa kong pagsuntok sa leader ng Egg Warriors na 'to.
Sigurado akong… hindi nila malilimutan! Baka nga paglipas ng araw batuhin ulit nila ako para gumanti sa ginawa ko sa leader nila.
Pero diba pres nila dati si Spade? O edi sure ako na may kakampi din sa kaniya!
“Ano ba?!.”
Napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa braso ni Spade. Hinigit ako ni Zero! Jusko, baka bugbugin din ako neto! Napa'ohhh' naman mga kaklase kong animal. May iba pang tumawa.
Hawak hawak lang naman ni Zero ang braso ko, sobrang lapit din niya sa'kin. Sa sobrang lapit naaamoy ko na hininga niya. Ramdam ko din ang paghigpit pa lalo ng kapit niya sa braso ko. Gigil na gigil siya eh, napangiwi naman ako.
“Z-zero, bitawan mo si George.” rinig kong awat ni Spade.
Maging si Lolo ay nakita kong napalapit na sa'min, sinenyasan niya 'yung bodyguard niya para pigilan si Zero.
“Move or I'll hurt her.”
Adik ata 'to eh. Laki ng galit sa lahat. Pinaglihi sa sama ng loob.
“Bitawan mo ko! Bitawan mo ko!.”
Ginamit ko lahat ng lakas ko para itulak siya pero walang effect. Nakapoker face pa siya! Wow!
Ano ba kasing gagawin niya sa'kin? Bubugbugin? Kung oo, sige bugbugin niya nalang ako kesa ganitong ang lapit lapit niya sa'kin. Allergic ako sa impakto! Isa pa'y feel ko ay mababali na ang braso ko.
“Tama na 'yan! Nasasaktan na si George.” pagpigil ni Tim.
Mangiyak ngiyak na tiningnan ko naman sila para humingi ng tulong pero walang lumapit. Marahil ay natatakot kay Zero.
“She deserves it.”
Umusok ang ilong ko sa sinabi niya. Sinuntok ko siya nang malakas sa braso sabay tulak sa kaniya. Nabuhayan ako ng pagasa nang mabitawan niya ang braso ko at nang makita kong tutumba siya. Akmang lalayo na ako sa kaniya pero nahawakan niya ulit ang braso ko.
“Hala..”
“What a position!.”
“Tingnan niyo si Corine oh, umiiyak na HAHAHAGAGAGA.”
“Shut up!.”
“Aray ko po.” napasapo ako sa noo ko na diretsong tumama sa dibdib ng impakto na 'to. Kung ba't ba naman kasi niya ako hinila hindi sana ako matutumba sa ibabaw niya! Tapos YAK! Nakahawak pa siya sa bewang ko, putanginams!
“Bitawan mo ko!Yak, yak, yak!.”
Mabilis akong bumangon at saka pinagpag ang sarili ko. Naririnig ko pa ang paggasp ng tao sa paligid. Dzuh, kadiri kaya! Inis na tiningnan ko si Zero na nasa lupa.
“Manyak!.” pinanlakihan ko pa siya nang mata na ikinataas ng kilay niya. Bumangon naman siya agad at saka akmang susugurin ako pero bigla naman kaming nakarinig ng putok ng baril.
*BANG!
Sinundan pa ng isa pa. Napatakip agad ako sa tenga. Nakakabinging pangyayari. Sinong nagpaputok?
Nilibot ko ang paningin, katulad ko ay tinatakpan din ng lahat ang kanilang mga tenga. Takot na mabingi.
“Tapos na ang palabas. Pwede na ba tayong pumasok?.”
Lolo? May hawak siyang baril sa kamay. Nakangiti siya sa aming lahat na medyo weird. Natakot alo bigla kay Lolo! Ang lupit niya pala, baka mamaya bigla niya nalang kaming pagbabarilin isa isa kapag may hindi siya nagustuhan.
Lumakad na si Lolo, palampas sa aming lahat. Lahat nang nadadaanan niya ay nginingitian niya. Ayaw niya atang matakot sa kaniya, pero too late! Halata sa mga mukha ng lahat na natakot sila kay Lolo.
“Tara na.” aniya. Agad namang kumilos ang mga kaklase ko, kinuha ang kani-kanilang gamit. Maging sina Tim at Gray ay inalalayan si Spade. Si Corine naman at Archer ang umalalay kay Zero na bangag pa din.
Ako naman ay naiwang nakatayo. Nagulat ako sa nangyari. Ngayon lang din ako nakakita ng totoong baril. Nakakatakot. Akala ko pwede kong loko-lokohin si Lolo pero now nakakatakot siyang iprank o kaya itrip. Baka madeds ako bigla huhu.
“Astair.”
Napaigtad ako sa pagtawag ni Lolo. Naiwan na pala akong magisa dito nasa may loob na sila. Nginitian niya ako at saka nilapitan. “Halika na sa loob.”
Napapatangong sumama naman ako sa kaniya. Sekretong napasign of the cross din ako. Help me, Lord!
“Bakit wala kang bag?.”
Hala, Oo nga! 'Yung kawawa kong bag huhu.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 18
Magsimula sa umpisa