抖阴社区

                                    

“Miss Astair, pinapatawag po kayo sa taas.”

“Pinapatawag ako?.” itinuro ko pa ang sarili. Bigla nalang kasi may lumapit sa'king maid. Akala ko nga saan pupunta, sa'kin pala.

“Yes, tara po.”

Napatayo naman ako, napapatingin pa sa'kin ang iba naming kaklase. Nagtataka. Ba't naman kasi ako pinapatawag doon? Sino kayang nagpatawag? Nakita ko si Archer na may kasama ding maid, papunta din sila sa taas. Hindi lang pala ako ang pinatawag, bakit kaya?

“Psst, tingin mo bakit tayo pinatawag?.” tanong ko kay Archer na kasabay ko sa pagakyat ng hagdan.

“Dunno.” bored niyang sagot.

Sabi ko nga. Ba't ba naman kasi ako nagtanong kay Archer. -.-

Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway, sinundan ko lang 'yung mga maid. Gusto ko sanang ilabas phone ko para magpapicture dito sa taas ng veranda pero huwag nalang. Nakakaduks. Baka akalain nilang ngayon lang ako nakakita ng hagdan. Pagtawanan pa ako.

“Pasok po.” ani nung isang maid.

Huminto kami sa isang malaking silid na may malaking itim na pinto. Binuksan nila 'yung pinto at saka kami pinapasok nj Archer. Namamanghang nagpalinga linga ako sa loob. Grabe! Sobrang laki at ganda dito. May isang malaking mesa na antigo na pabilog, may mga upuan din na nakapalibot sa mesa. May library din sa loob nasa may taas, may hagdan na daanan papunta don sa library.

“Wow..” napaawang ang bibig ko sa sobrang pagkamangha. Mapapasanaol ka nalang talaga! 

“Bibig mo, pakisara.”

Inismiran ko naman si Archer. Masama bang mamangha? Lol. Lumapit na kami dum sa round table. Nalimutan kong idescribe na may mga Egg Warriors palang nakaupo doon. Nandoon sina Gray, Wavin, Zero, Tim, Spade at Lolo. Pero teka andito silang lahat? Ayos na kaya sila?

“Dito ka.” parang batang aya niTim sabay tapik pa nung bangko na kalapit niya. Dumiretso naman agad ako don, hindi pinapansin ang matang masamang nakatingin sa'kin.

“So, kompleto na tayo.”

Napatingin ako kay Spade na nakatayo sa katapat ng upuan niya. May mga benda siya sa ulo, pati na mukha niya. Kitang kita ang dulot ni Zero sa kaniya. Napasimangot tuloy ako, kawawa naman si Spade. Inis na sinulyapan ko si Zero, bored na nakaupo siya doon. Unlike kanina mukhang kalmado na siya. Mukha ring nasa sarili na siya. Halatang halata naman ang pasa sa may labi niya na dulot ng suntok ko kanina.

Pfft, napaevil grin tuloy ako bigla. Buti nga!

“George, sinasapian ka ba? Magsabi ka na agad para makakuha ako ng holy water.” iritang tiningnan ko si Tim. Lol, pinagsasasabi niya?

“Inamo, anong sinapian?.” napahalakhak naman siya sa katangahan niya.

Mas mukha pa nga siyang sinapian diyan eh. Parang timang.
Binalingan ko nalang uli si Spade para magtanong.

“Bakit pati ako kasama?.”

Nakakapagtaka lang kasi. Pati ako pinatawag, pwedeng pwede naman na sila nalang tutal magkakakilala na naman talaga sila. Samantalang ako eh, sampid lang dito.

“Yeah, right. You shoudn't be here.” parinig ni Zero na sa ibang direksyon nakatingin.

“See, may nagrereklamo na agad na impakto.” tinuro ko pa si Zero.

Hindi ata ako makakatagal na kasama ko 'tong lalaki na 'tp. Hindi ko parin nalilimutan 'yung kanina, kapag talaga naiisip ko YAK! Parang gusto kong maligo sa alcohol.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon