“She's here because I said so.” pagsingit ni Lolo na umiimon ng tsaa. “You should be happy, you have this beautiful lady infront of you.”
Lah, anong sinasabi ni Lolo? Parang tengee nemen.
Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko, lalo na nung nagtinginan silang lahat sa'kin.
“HAHAHAHAHAHA, 'yan maganda?.” natatawang asar ni Tim sa'kin, may paghawak pa sa tyan. Punyemas.
“Lo, bawal magsinungaling.” si Gray.
“YAK!.” si Wavin.
“Ofcourse, I am. Having her infront of me makes me happy.” kumindat pa sa'kin si Spade na ikinapula ng mukha ko. Enebe!
“I'm gonna vomit.” sino pa ba?
“… " si Archer 'yan.
Gusto kong sapukin ang lahat maliban kay Spade. Nginitian niya ako ulit, mukha na akong kamatis! Buset na Spade 'to pinapakilig ako.
“Hoy, akin lang 'yan si George kahit panget 'yan!.” sigaw ni Tim, kumapit pa siya na akala mo'y babae. Napasapo nalang ako sa noo.
Ang haba haba naman ng buhok ko ngayon.
“Tumigil ka nga diyan, Tim. Pakinggan nalang natin ang sasabihin ni S-spade.”
Nauutal pa! Nakakahiya ka Georgina. Inasar asar ako ni Tim pero sinapok ko lang siya para bumalik siya sa katinuan niya. Magfofocus nalang din ako sa sasabihin ni Spade.
“I'll start explaining everything. Nandito kayong lahat as we planned. Tim, Gray, Wavin and Astair are our conspirator. Need nila kayong iconvice na sumama at sumali sa amin. But guess Tim take the fastest way to lure you.” seryosong nagsasalita lang si Spade, paminsan minsan ay lumalakad lakad pa siya.
“You're all here to join Grandpa's Class. He'll be teaching you according to the schedule. The objective of this class is to make sure you all graduate.” confident na ngumiti siya. “Any question?.”
Wala naman akong tanong. Naexplain na din sa'kin 'yan dati eh. Ang hinihintay ko ay 'yung magiging reaksyon ni Archer at Zero.
“None.” ani Archer. Namangha naman ako sa lawak ng pangunawa niya. Ganon din kaya 'yung isa? Tiningnan ko si Zero, nakatingin lang siya sa malayo. Nakapoker face. Walang balak na magsalita.
“Okay! I assume wala.” umupo na si Spade sa upuan niya. So 'yun na 'yun? Alam ko na 'yun ih. Bakit pinatawag pati ako kung 'yun lang pala sasabihin. Napakamot ako sa ulo ko.
“George, george.”
Nagtatakang nilingon ko naman si Tim. Itinuro niya ang mini library na nasa taas. “Punta tayo doon maya.” Agad ba tinanguan ko naman siya. 'Yun lang ata matino niyang sinabi.
“What else?.” pagsingit ni Archer, halatang naiinip na. This time si Lolo naman ang tumayo.
“I'm expecting your cooperation and your hardwork. Specially kayong pito na napili kong maging officers sa klase ko.”
Teka, Ano daw? Officer? Ako, magiging officers? Weh?
Napatayo ako sa upuan ko. “Lolo, totoo ba 'yan o joke? Kasi kung joke po 'yan nakakatakot po hindi nakakatuwa.”
Sa tanang buhay ko hindi ako pumapayag na maging officer. Ayoko kasi nang may resposibilidad, ang sakin ay gagalaw ako hindi dahil responsibilidad ko kundi dahil ginusto ko.
“Hindi ako nagbibiro, Astair.” may kinuha siya sa ilalim ng mesa, isang malaking white board. Nakasulat doon ang list of officers.
CLASS OF MORPHEUS //OFFICERS
President: Zachary Eros
Vice President: Archer
Secretary: Georgina Astair
Treasurer: Timothy
Auditor: Gray
Public Information Officer: Spade
Peace Officer: Wavin

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 19
Magsimula sa umpisa