抖阴社区

                                    

“I'll go to my room.” paalam ni Gray at saka pumasok sa kalapit ng kwarto ko. Si Tim din pumasok na sa last vacant room na nasa left side ng room ko.

“Papasok na din ako.” nginitian ko pa si Spade na sumaludo pa sa'kin. Napapailing na pumasok naman ako sa room na binigay sa akin, excited na makita ang loob.

“Wow..”

Bumungad agad sa'kin ang malaking kama, color pink 'yon. Idagdag pang may kulambo pa sa gilid gilid, hindi ko alam ang tawag kasi nga duks ako! Simple lang pati kwarto ko kaya hindi ko maiwasang hindi mamangha. Meron pang mini table kung sakaling trip magaral, meron ding tv and aircon. Grabe, 'di ko tuloy sure kung para sa'kin ba talaga 'to o para sa Prinsesa. Gondooooooooooo!

Nakita ko na rin 'yung Bag ko na nakapatong sa kama ko. Finally! Nahanap din. Pero hindi talaga ako ang nakahanap nung bag, si Lolo. Pinahanap niya don sa kaniyang mga bodyguard tapos natagpuan nila sa itaas ng bubong ng Bus. Oh diba? Sinigurado talaga ng kung sino mang nagtago na hindi ko makikita! Ang laki at ang taas kaya nung Bus. -,-

Sinilip ko din 'yung CR merong bath tub and shower, kompleto pa ang may shampoo, may conditioner, meron pang mga nakadisplay na kung ano ano. Juskoo, iba talaga! Iba talaga si Lolo, iboboto ko na talaga siya as President.

-------------------------------------*-*

“Since unang araw nating magkakasama, I suggested na magkakasabay tayong magsalo salo. Para na din makilala natin ang isa't isa, ofcourse bonding nadin."

Nakataas ang kilay na tiningnan ko siya. Hindi ko alam kung anong trip ni Spade, nilang dalawang maglolo. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako o hindi. Maganda 'yung intensyon pero hindi ko sure kung makakatagal ako dito sa hapagkainan.

Bigla na lamang kasi kaming pinatawag, sabay sabay daw kakain. Kaya ang ending nandito kami ngayon sa Dining Hall na may Looooong Table. Kasya lahat, hindi rin magkakamali ng upuan dahil may mga names na nakalagay. O' diba? May paganon.

Hindi tuloy ako makalipat ng upuan kahit na gustuhin ko. Napagitnaan kasi ako nina Zero and Archer, sa kasamang palad. Trip na trip ata talaga kami ng tadhana at pinagsasama sama pa kaming tatlo. Jusko, maaga ata akong madededs. Feel ko matutuod ako. Ramdam ko 'yung deadly aura nila pareho. Hindi ko tuloy magawang lumingon sa magkabilang side ko, baka bigla akong suntukin mahirap na.

“Tila yata may nawawalang isa sa inyo.”

Oo nga. May bakanteng upuan na isa. Nasa may hindi kalayuan sa'min. Sino kaya 'yung nawawala?

“Si August, he said susunod nalang daw siya. Kausap pa ata 'yung mommy niya sa phone.” sagot ni Mindy.

Kausap ang Mommy niya sa phone? Mama's Boy siguro 'yun si August.

“Mabuti pa, Astair pakitawag na.”

A-ako? Bakit ako? Nakaturo pa ako sa sariling napapatayo. Sinigurado ko pa kung ako ba talaga.

“Yes, nasa labas ata siya. Pakitawag.” ani Lolo saka umupo na sa pinakahead na upuan.

Napakamot naman ako sa ulo. Napatingin ako kay Tim, sesensyasan ko sana na samahan ako pero naglalaway na sa pagkain ang walanghiya! Sinabihan pa akong bilisan ko na daw kasi gutom na gutom na siya.

“Bilis na, gutom na kami oh!.”

“You're so bagal talaga!.”

“Kinakain na ng malaking bulate 'yung maliiit na bulate sa tiyan ko, bilisss!.”

Okay, fine!  Naglakad na ako palabas. Medyo madilim na din doon na lalong nagpaganda sa bakuran ng Mansion na 'to. Nasisinagan kasi ng sinag ng buwan, yes may buwan na agad kahit medyo nadilim lang. Sayang hindi ko na dala 'yung phone ko.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon