Ay teka. May hinahanap nga pala ako. Nagpalinga linga ako sa paligid para hanapin si August. Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya, siguro tahimikin siya. Where are you, August?
“Ayun..”
May nakita akong nakatayo sa pinakangdulo kalapit ng malaking gate. Si August na nga. Lapitan ko na, nagugutom na ako eh.
“I told you to not contact me again!.”
Eh? Ang alam ko ay nanay niya ang kausap niya so bakit parang gigil na gigil siya? Hindi pa man ako nakakalapit ay rinig na rinig ko na ang boses niya eh.
“So what? Ano naman kung nanay kita?!.”
Lol, ba't ganiyan siya makipagusap sa nanay niya? Lumapit pa ako ng konti para marinig ang usapan.
“Ano bang pakialam mo? Gagawin ko ang gusto. Bakit ko naman kailangang humingi ng permission sa'yo? Iniwan mo kami remember? Shut up!.”
Putangono pala neto ni August, walang ugali! Lumapit na ako sa kaniya, handang kausapin siya pero muli na naman siyang nagsalita.
“Wow! After 10 years na walang paramdam sasabihin mo sa'kin 'yan? I don't need your explanation. All I know is you replaced me and Dad with that shitty foreigner! I hate you, don't ever call me again!."
Ibinaba niya ang phone niya and the next thing I knew is he's already sobbing. Umiiyak na siya. Hindi ko alam kung tatawagin ko pa ba siya o iiwanan nalang muna dito. Pero siguro bibigyan muna namin siya ng space para makapagisip.
Iiwanan ko na muna siya dito, ako nalang bahala magpalusot.“Napakinggan mo ba lahat?.”
Nagulat ako nang bigla siyang magsalita. Nahuli pa din ako! Iniiwasan ko na ngang magingay eh, kamalas nga naman. Dahan dahan akong humarap sa kaniya.
“U-uhm, tatawagin kasi sana kita----.”
“So, napakinggan mo nga?!.”
Napapikit ako nang biglang sumigaw siya. Tinry niyang pigilin ang pagiyak pero patuloy lang na bumabagsak ang kaniyang mga luha. Siguro sobrang nasasaktan siya ngayon..
“S-sorry.”
'Yun lang ang nasabi ko. Nakita ko naman na rumehestro ang inis sa kaniyang mukha.
“Huwag na huwag mong sasabihin sa iba ang narinig mo kundi lagot ka sa'kin!.” pagbabanta niya.
“Hindi sa nanghihimasok ako pero hindi ka dapat ganoon magsalita sa Nanay mo, kahit ano pang maling nagawa niya Nanay mo parin siya.”
Gusto kong tampalin ang sarili. Alam ko na wala siya sa mood pero siguro naman maiintindihan niya.
“Wala akong Nanay.” malalim na boses na aniya. Galit na tiningnan niya ako. “Tsaka wala kang alam sa nangyayari kaya pwede? Lumayas ka sa harapan ko.”
Nilampasan na niya ako pagkatapos niyang magsalita. Hanep ah! Concern lang naman ako eh. Bahala nga siya. Lumayas daw ako pero nauna siya. -.-
Bumalik na din ako sa loob. Nang mapadaan ako sa harap nung August ay inirapan niya lang ako. Mukhang nagalit din siya sa'kin. Naks, ba't kasi sinabi mo pa 'yun Georgina? Panibagong kaaway na naman ba dis?
“Let's eat.” ani Lolo after niyang maglead ng prayer.
Agad naman parang mga buwayang sinugod ng mga kaklase kong lalaki ang mga pagkain, samantalang 'yung mga babae naman ay maarteng kumakain. Hinarap ko si Tim na may hawak hawak na manok, dalawang legs ng inihaw na manok ang hawak niya. After kumagat sa isa ay dun naman sa kabila, akala mo'y aagawan. Myghad, Tim!

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 20
Magsimula sa umpisa