Napalingon naman ako kay August na halos hindi ginagalaw ang pagkain niya. Affected talaga siya. Hayyy. Nawawalan din tuloy ako ng gana.
“Why aren't you eating, Astair?.”
Wala akong gana, Spade.
“Ayaw mo ba ng pagkain? What do you like?.”
Gusto ko ng chocolate Ice cream, pampaalis ng stress..
“Astair? Astair?.”
“H-ha?.”
Napatigil naman sa paglamon si Tim at Wavin. Tiningnan nila ako kaya napilitan akong kumain.
“Kakain na ako.”
Dinampot ko ang kutsara't tinidor na para sa akin. Hindi pa pala ako nakakakuha ng kanin at ulam sa sobrang lutang. Tiningnan ko si August na wala pa ding kahit ano sa pinggan. Hayyy.
“Wavin.” pagistorbo ko kay Wavin sa paglamon, halos hindi na siya tumitingin sa kaharap niya eh. Gutom na gutom lang?
“OH?!.”
Iniabot ko ang pinggang may laman ng kanin, ulam, maging ng fruits. Takang tiningnan niya naman ako. “BINIBIGAY MO BA SA AKIN 'YAN?.”
“Hindi, pakiabot kay August.”
Kumuha ako ng isa pang pinggan at nilagyan ng panibagong ulam at kanin na para sa akin naman.
“What did you say?.” tanong ni Archer na napatigil sa pagkain.
“Sabi ko pakiaabot nung pagkain kay August.” pagulit ko.
Bingi din neto ni Archer, nasa kalapit ko na hindi pa magets. Jusko.
“OH, AUGUST PINABIBIGAY NI GEORGE PANGET!.”
Sige, ipagsigawan mo pa! Pinandilatan ko si Wavin na patay malisya lang. Hindi ata niya alam na sa ginawa niyang 'yun ay nagaattract siya ng negative vibes. Nagsimula na uling magbulungan, ang iba pa'y inaasar si August na nakakunot ang noong nakatingin sa'kin. Tinanggap niya naman 'yung pagkain.
“George, pinagpapalit mo na ako kay August?!.” kunwari pang naiiyak si Tim habang punong puno ang bibig ng pagkain.
“Malandi talaga.” pasaring ni Corine sa sulok.
“Don't flirt, atleast give some respect. We're eating.” iritang singit naman ni Zero.
Binalingan ko naman siya ng tingin. Anong problema niya? Paglandi na ba agad 'yun? Tumikhim ako.
“Hindi kasi kumakain si August kaya naisipan ko siyang bigyan ng pagkain. Pampalubag loob na rin sa nagawa kong aksidenteng nakinig ang pinaguusapan nila.” pagpapaliwanag ko.
Hindi ko naman kailangang magpaliwanag pero nagpaliwanag pa rin ako. Utak kasi ng mga 'to iba eh. Mukhang hindi pa sila naniniwala sa akin. Edi wag!
“How sweet of you..” sarcastic na sabi ni Nadya.
“Huwag magaway sa harap ng pagkain, mga bata.” may diing ani ni Lolo.
Napangiwi ako. Nagmamagandang loob lang naman ako ah! Kikitid talaga ng mga utak nila. Ay ewan, kakain na lang ako!
Kumain na lang ako at hindi na tumingin pa sa kanila. Hindi ko na rin nakita ang reaction ni August. Wala na din akong ingay na narinig. Takot lang nila kay Lolo M!
MATAPOS kumain ay kaniya kaniyang tambay na uli ang Class Z. Ang iba sa kanila ay nakaupo sa sala, may mga dalang snacks habang nanonood ng tv. Ang iba naman ay nasa kani-kanilang kwarto. At ang iba ay pinili nalang mapagisa.. katulad ko.
Nandito ako ngayon sa may labas ng Mansion ni Lolo, nakaupo sa harap ng magandang fountain nila. Ang ganda lang pagmasdan ng paligid, pati na ang bilog na buwan. Nakakabawas sa isipin ko. Iniisip ko pa din 'yung kanina, about kay August. Kamusta na kaya siya? Galit pa kaya siya sa'kin?
Napabuntong hininga ako. Kahit na gustuhin ko man siyang kausapin ay hindi pwede. Itataboy na naman niya ako tsaka laki ng galit nila sa akin eh. Tch.
*PHONE RINGING..
Huh? Kanino 'yun?
May cellphone na nagriring. Kanina ko pa 'yun naririnig eh, nakakapagtaka nga dahil walang sumasagot. Hmm, tingnan Ko kaya? Tumayo ako at saka sinundan ang cellphone na nagriring. Napunta ako sa may gilid ng Mansion kung saan nandun ang mga trashcan.
“Eh? Anong ginagawa nito dito?.”
'Yung cellphone nasa basurahan, sino naman kayang may sapak ang nagiwan neto dito? Halatang bago pa eh.
Dinampot ko ang phone. “Unknown Number?.”
Kanino kayang phone 'to? Isa lang ang solusyon para malaman.
“August. August, anak. Mabuti naman at sinagot mo na. Galit ka parin ba kay Mama? I'm s-sorry.” pumiyok ang boses niya at halatang umiiyak na. Nako, kay August pala 'tong phone baka kaya niya inilagay sa basurahan dahil tawag ng tawag ang Mama niya, 50+ missed calls eh.
“Alam ko galit ka sa'kin pero anak, mali 'yung iniisip mo.
Hindi ko kayo pinagpalit. Walang katotohanan ang sinasabi sa'yo ng Daddy mo---."Misunderstanding? Magkaaway ba ang mga magulang ni Spade?
“All those pictures and documents na sinend sa'yo, it was all fake. Hinding hindi ko magagawang ipagpalit kayo, Anak. I'm very sorry if I left you, sa totoo lang gustong gusto ko na bumalik. Gusto kitang yakapin, gusto kong marinig ulit na tawagin mo kong 'Mama'. I really really missed you, son."
Napatakip ako sa bibig. Nangilid din ang luha ko. Eto 'yun, 'yung pagmamahal ng isang ina na hindi ko na kelan pa madadama. Bigla nakaramdam ako ng lungkot. Nakikinig lang naman ako pero ba't ako nasasaktan?
“I'm sorry, I'll be back soon. Hintayin mo si Mama ha? I love you-----.”
Ay puta!
“Bakit mo pinapakealaman ang phone ko?!.”
Lagot! Andito si August. Gigil na kinuha niya sa'kin 'yung phone at saka pinatay ang tawag. Galit na galit niya akong tiningnan.
“Narinig ko kasing nagriring kaya pinuntahan ko tapos may tumatawag, e hindi ko naman alam kung sino ang mayari---.”
“Kaya sinagot mo?!.”
“August, nagkakamali ka about sa Mama mo. Hindi ka niya pinagpalit----.”
“Ang sabihin mo pakialamera kang talaga! Ang alam ko officer ka, hindi ko naman alam na trabaho mo na palang makialam sa personal naming buhay.”
Nagpuyos ang dibdib ko. Nagsisimula na akong mainis sa kaniya.
“Okay, I'm sorry kung pinakealaman ko 'yang phone mo na nasa basurahan. Pero August, need mong kausapin ang Mama mo. You obviously had the wrong idea about her.”
Ewan ko ba kung ba't eager na eager akong ipaalam sa kaniya 'yung totoo, siguro dahil naalala ko ang Mama ko sa Mama niya?
“You don't know her so just shut up!.”
Inis na tiningnan ko siya. “Oo, hindi ko nga siya kilala. Pero alam mo ba kanina habang nakikinig ako sa kaniya?.” Humakbang ako palapit sa kaniya.
“Dama ko. Ramdam ko. Ramdam ko 'yung sakit niya, 'yung sincerity sa boses niya. Ramdam ko kung gaano ka niya kamahal. At alam ko na nagsasabi siya ng totoo, so sana naman pakinggan mo ang Mama mo.”
Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa'kin na parang paiyak na siya. Nangingilid ang luha niya.
“Wala namang mawawala kung makikinig ka sa kaniya diba?.”

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 20
Magsimula sa umpisa