“Kapag sinabi mo sa akin, quits na tayo. Hindi na ako magagalit sa'yo sa pakikinig mo sa usapan namin at pagsagot mo sa tawag niya.”
Jusko, ba't ba gustong gusto niyang malaman? Dati ba siyang member ng imbestigador? Pero, sige. Andito na din naman eh.
“Naalala ko lang kasi si Mama ko sa Mama mo.”
“Why?.”
Tumikhim ako bago ipagpatuloy ang pagsasalita. “Ofw kasi siya. Hindi kasi kami mayaman, kung hindi kakayod ay hindi magkakalaman ang tyan. Tapos ayon, buwan buwan siyang nagpapadala.”
Kita ko na focus na focus siya sa kwento ko.
“Tapos bigla nalang hindi siya nagpadala, walang tawag, walang sulat. Sobrang nagaalala kami kay Mama, miss na miss ko siya. Hanggang sa nalaman na lang namin na wala na si Mama.” nangilid ang luha sa mga mata ko.
Buset 'yan.
“At alam mo ang masakit don? Tinawagan ni Mama 'yung Tito kong abogado pero hindi siya pinakinggan. Hindi siya sinaklolohan. Buhay pa sana siya ngayon kung may nakinig lang sa kaniya. Ni hindi ko man lang narinig ang boses niya bago siya mawala. Tapos 'yung nakita ko nga uli si Mama p-pero w-walang buhay na naman siya..” tuloy tuloy na umagos ang luha ko.
Pasinghot singhot na napayuko ako. Alam ko na nakatingin siya sa akin pero wala akong panahon para mahiya. Umaapaw ang emosyon ko. 'Yung ilang taon ko na pagkukunwaring masaya, matatag ay natapos na.
“I-I didn't know." Tanging nasabi ni August.
Nakayuko pa rin ako. Putanginams! Ba't ba kasi umiiyak ka, George? Tingin mo ba matutuwa sa'yo si Mama, ha?
“Ang s-sakit parin pala kaya ikaw.. pakinggan mo ang Mama mo. Hangga't maaari.”
Pilit na pinunasan ko ang luha pero patuloy lang 'to sa pagpatak. May sarili atang utak, punyeta.
“Ano ba 'tong luha na 'to. Ayaw tumigil. Ayoko na ngang umiyak eh----.”
“GEORGE HUHUU!.”
A-anong?!
“T-tim, Tim hindi ako makahinga!.”
Bigla na lang sumulpot si Tim tapos niyakap ako ng mahigpit. Sa sobrang higpit pakiramdam ko malalagutan akk ng hininga. Ano ba kasing ginagawa niya dito?
“Anong nangyari sa'yo?.” Tanong ko pagkabitaw niya sa'kin. Sisinghot singhot siya at umiiyak. Ano naman kayang problema niya?
“Narinig kasi namin 'yung kwento mo about sa Mama mo." Pasinghot singhot na sagot ni Tim.
Namin?
Takang tumingin ako sa likod ni August. Shet! Si Zero, Corine at Peter! Narinig nila? Agad kong pinunasan ang luha ko bago uli sumulyap sa kinaroroonan nina Zero. Madilim ang aura na tiningnan ako ni Zero, tila ba nagagalit siya sa'kin. Si Peter naman ay malumanay ang mukha. Samantalang halata sa mukha ni Corine na hindi siya naniniwala.
“A-anong? Kanina pa ba kayo diyan?.”
Tumango tango naman si Tim. Jusko!
“I gotta go inside.” ani August na nagpaalam sa'kin? Tinanguan ko lang siya ket na nagtataka. Sumabay na din sa kaniya si Peter samantalang naiwan si Corine, Zero at Tim. Ikinawit ni Tim ang braso ko sa braso niya.
“Halika na sa loob, ikukuha kita ng Ice Cream. Alam kong malungkot ka kaya pagagaanin natin ang loob mo----.”
“Tim, go inside. May paguusapan lang kami ng babaeng 'yan.”

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 21
Magsimula sa umpisa