抖阴社区

                                    

“Lolo este Prof, ako din po!.” todo taas pa ng kamay si Tim habang sinusundan ako ng tingin. “Hintayin mo ako, George!.”

Jusko, tinamaan ka ng abnoy. Ano naman kayang pumapasok sa utak niya?

“Me too.”

Shet. Masamang tingin ang pinupukol sa'kin ni Nadya. Agad na tumayo siya nang payagan siya ni Lolo M. Naunang maglakad si Tim samantalang nasa likod niya si Nadya. Napasapo ako sa noo. Masama ang kutob ko, huwag naman sana..

Rinig ko pa ang bulungan ng iba bago ako umakyat sa hagdan.

Issueee..

“Saan ka ba pupunta, George?.” tanong ni Tim na nakasunod sa akin.

“Iihi ako! Dun ka!.” imbyerna 'to, sunod ng sunod.

Pati tuloy si Nadya nakasunod sa akin. So bale sumusunkd sa akin si Tim tapos nakasunod kay Tim si Nadya. Para kaming tren tren, jusko.

“Samahan kita.” malokong sabi ni Tim na sinabayan pa ng nakakalokong tawa. Napangiwi naman ako. Ipapahamak pa ako, aba!

“Sampalin kita. Dun ka, gawin mo ang gagawin mo. Naiihi na ako talaga.”

Pumasok na ako sa CR dito sa may baba. Hassle kasi kung aakyat pa ako para don pumunta sa kwarto ko. Naiwan ko pala 'yung dalawa sa labas, sana lang hindi sila magaway.

Nakahinga ako ng maluwag. Whooo, muntik na ako don. Paglabas ko ng pinto…

“Sunod ka ng sunod sa babaeng 'yan, aso ka ba?!.” bungad na salita ni Nadya pagkalabas ko. Napahinto tuloy ako sa paglabas. Sabi ko na nga ba't malabo silang manahimik kapag magkasama.

“I'm glad to be her dog. Ikaw, ba't sunod ka ng sunod sa'kin? Aso ba kita?!. ” balik na sigaw ni Tim kay Nadya.

Putanginams! Ano bang sinasabi niya?

Sinulyapan ko si Nadya, mataray na nakatingin siya kay Tim pero halatang paiyak na.

“Bakit ganyan ka magsalita, nakakasakit ka na ah.” bigla ay huminahon ang boses ni Nadya. Pumipiyok na din siya, tanda na paiyak na talaga siya.

“Iiyak ka na naman ba? Please, tama na. I'm your childhood friend,yes. Pero dapat tanggapin mo na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa'yo.”

Iniwan niya na si Nadya kasama ko. Mangiyak ngiyak siya sa may tapat ng pinto. Maya maya pa'y galit na binalingan niya ako. “Alam mo kasalanan mong lahat 'to! This is all your fucking fault.”

Kasalanan ko? “I'm just his friend, Nadya.” mahinahong sagot ko, baka sakaling kumalma siya.

“Friend mo mukha mo!.”

“Edi huwag kang maniwala! Oh, sige. Hindi lang kami magkaibigan ni Tim. Okay fine, yan ang paniwalaan mo. Saktan mo pa sarili mo, ginusto mo yan eh.”

Nakakairita siya. Sinasabi ko na ang totoo. Ayaw pang maniwala. Psh. Hayuffs.

“Hindi ako naniniwala! Malandi ka!.”

“Ulol mo malandi, Edi sana ngayon may boyfriend na ako 'diba? Hindi naman porke close ako sa kanila e, malandi na. Matuto kayong pumili ng mga salita na bibitawan, baka bumalik 'yun sa'yo. Malaman mo na para sa'yo pala ang mga salitang binabato mo sa ibang tao.”

Natigilan siya.

“H-hindi talaga k-kayo ni Tim?.”

Napaikot ang mata ko. “Hindi.”

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon