抖阴社区

                                    

“Meet me later at 5pm sa likod ng Mansion, I need to talk to you.” mataray ang boses niya pero hindi ako nainis. Marahil ay dahil kita sa mata niya na nasasaktan siya.

“Okay.” sagot ko.

Bumalik na uli kami doon sa Classroom. Walang pansinan, nauna na pala si Tim don. Sinenyasan niya ako kung okay lang daw ba ako. Tinanguan ko lang siya. Wala namang nangyaring bugbugan. Tinaasan naman ako ng kilay ni Zero, inisnab ko lang siya at saka dumiretso sa upuan ko.

Patuloy na naglelecture si Lolo M. Nagfocus nalang ako sa pakikinig. Kailangan kong makapasa, kailangan kong makagraduate. Kaya pagbubutihin ko.

-------------------------------------------------

“Anong paguusapan natin?.”

Nandito na ako sa likod ng Mansion ni Lolo M. Tapos na rin ang klase kaya nagkalat na naman ang Class Z sa kung saan saang sulok ng bahay. Hindi na rin ako nagpaalam kayna Tim kasi sure naman akong hindi ako hahanapin ng mga 'yon, naglalamon eh.

“About kay Tim.”

Ayyts. She's hopeless. Napangiwi ako sa kaniya. Ipagpipilitan na naman ba niyang kami ni Tim?

“Hindi nga kami ni Tim-----.”

“Alam mo ba na 8 years old palang kami ay kilala ko na si Tim?.” she smiled.

Eh? Bakit bigla siyang nagkukwento? Lumakad lakad siya at saka umupo sa isang malaking bato na nakita niya.

“Nainlove agad ako sa kaniya. Mabilis kasi akong maattract sa mga gwapong lalaki, mukha kasi talaga siyang koreano. Kaya everyday bumibisita ako sa bahay nila para makipaglaro. MaloKo talaga siya mula pa noong bata pero ang bait bait niya. Kaya mas lalo akong nahulog sa kaniya.”

Ohhhh, mabait pala si Tim noong bata? Hindi halata.

“Sinundan ko siya kahit saan siya magpunta, saang school siya magenroll. Tinatakot ko ang mga babaeng lumalapit sa kaniya. Nagtatangkang kilalanin siya. I was a mad stalker. Hindi ko naisip na masasakal si Tim. Nagagalit siya sa'kin and I can't understand him noon. Akala ko tama ang ginagawa ko. That I have the rights.”

Tumigil siya sa pagsasalita. Focus na focus naman ako sa kwento niya.

“Ang akala ko kapag mahal mo 'yung tao sapat na dahilan na 'yon para sabihin kong pagmamayari ko siya. Pero mali ako. Hindi ko pala siya pagmamay ari, nalaman ko 'yun noong nagkaroon ng girlfriend si Tim. He really loved that girl. And I was so jealous, ginagawa ko ang lahat para mapaghiwalay silang dalawa. I did everything but their bond is so strong.” emosyonal niyang kwento.

Wala akong magawa kundi pakinggan siya. Ayokong iinterrupt ang pagkwento niya dahil minsan lang mangyari ang ganito. Minsan lang sila magopen up sa'kin.

“Sumuko ako nang hindi ko masira ang relasyon nila pero noong namatay 'yung girlfriend niya? Nabuhayan ako ng loob. Naisip ko na baka this time.. Baka this time piliin niya naman ako. Baka makita niya na ako. Pero hindi, mas lalong lumayo ang loob niya sa'kin. Naging malungkutin siya.. Nagbago lang nang dumating ka.”

Napaawang ang bibig ko. So naging trigger ako sa pagbalik ng sigla ni Tim? Matutuwa ba ako o ano? Parang hindi maganda ang ididinudulot nito.

“Bumalik siya sa dati. Naging mas maingay, naging mas close niya din 'yung ibang Class Z. Kaya sa tingin ko kung ikaw talaga magpapasaya sa kaniya, sige ipapaubaya ko na siya sa'yo. K-kahit na masakit.” nagteary eye siya.

Agad na nanlaki ang mata ko. “Teka lang! Wala kaming relasyon ni Tim, ano ka ba!.”

Ulit ulit nalang tayo eh. Myghad. Oo na mabait si Tim, gwapo. Isip bata pa. Pero.. I just don't feel it's the right time. Sabi ko nga pinapangalagaan ko 'yung No Boyfriend since birth na title ko.

“Pinapalaya ko na nga, ayaw mo pa? You're so choosy!.” iritang aniya.

“Hindi kasi 'yan pinipilit. Palayain mo siya dahil 'yun ang tama. Para na din sa sarili mo. Pahalagahan mo naman sarili mo, huwag kang maghabol. Mas mahalin mo ang sarili mo.”

Akala ko susungitan niya ako pero nginitian niya ako. “Now I know why he's so fond of you.”

Pinagsasasabi niya? Naguguluhan na ako dito bigla pa akong lalayasan neto ni Nadya. Myghad, sa pagkagusto niya kay Tim nakukuha niya na ata 'yung ugali. Bigla bigla nalang ding nangiiwan eh. Napanguso nalang ako.

“Ang gulo gulo niyo talaga.”

Bumalik na ako sa loob. Dumiretso ako sa dining room kasi nga oras na ng pagkain. At nagulat sa nakita. Nagpapansinan na sina Tim at Nadya! Shete, totoo ba 'to? Bumabait na ata si Nadya. Jusko, nagdilang anghel.

“George, lika dito! Tulungan mo kami.” naghahain kasi sina Tim ng pagkain at mga pinggan sa long table. Katulong niya si Nadya na ngumingiti ngiti, maaliwas na ang mukha niya.

“Yeah, help us. Para naman may silbi ka.” pangasar niyang sabi sa'kin. Sinamaan ko naman siya ng tingin. “Oppps, mybad.”

Lol. Nakitulong na lang din ako sa kanila sa paghahain. Nakakahiya naman kung sabihin kong ayaw kong tumulong lalaitin na naman nila ako, sasabihin ang tamad tamad ako. Pshh.

Kinakausap din ako paminsan minsan ni Nadya, fc kasi siya sa'kin. Charot! Nakikipagclose na siya. Kita ko rin namang natutuwa si Tim na medyo nagkakausap na kami ng matino ni Nadya. 'Yung ibang Class Z nga nagtataka na din.

“Bff na sila ni Nadya?.”

“Nagngingitian sila!."

“Mga tanga, magkaaway 'yan!

Anong kaplastikan 'yan, Nadya?.” mataray pang lumapit sa amin si Corine. “Are you out of your mind?.”

Ayan na naman po siya. Ready na namang makipagaway 'tong si Corine. Ket kelan talaga.

“I'm not. Totoo ako, walang halong plastik.” pabirong sagot ni Nadya. Gusto ko tuloy matawa. Asar na asar na naman si Corine. Namumula na siya sa inis. Nang mapatingin siya sa'kin ay dinilaan ko siya, akmang susugudin niya ako pero humarang agad si Tim.

“Arghhh! I hate you all!.”

Padabog siyang umalis sa dining room. Saan naman kaya punta niya? Kakain na kaya.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon