Inilagay ko sa gitna namin ang Popcorn, malaki naman 'yun kaya pagsaluhan naming tatlo. Bale sa tapat ni Archer nakalagay kasi siya 'yung nasa gitna. Nagtuloy tuloy lang kami sa panonood. Napasulyap ako kay Corine na masama ang tingin sa'kin, may kung ano pa siyang binibulong. Jusko. Binabantayan niya ata si Zero. Baka naman masamain niya, binigyan ko lang ng Popcorn. Walang malisya doon.
Nagtuloy tuloy ang panonood namin, mas nagfocus ang lahat sa panonood. Nakita ko din na kumukuha kuha ng Popcorn sina Archer at Zero. Minsan pa nga'y nagkakasabay sila ng kuha hihi, Bromance ba dis? Gusto ko tuloy himigan HAHAHAHAHAAHHA.
Maya maya pa'y biglang nagvibrate 'yung phone ko. 'Yung phone ko na sinira ni Corine. Buti nalang talaga hindi nasira LCD niya.
Tumatawag si Kuya!
Agad akong tumayo para lumabas. Maingay kasi dito sa loob. Tsaka rinig na rinig ang boses nung mga lalakii baka akalain ni Kuya na may boyfriend na ako. Malalagot pa ako.
“Excuse me.”
Hindi ako nilingon nina Archer pero nagbigay naman sila ng daan. Akala ko mangtitrip na naman eh. Buti nalang focus na focus sila doon sa pinapanood.
“Hello?.” pagkalabas na pagkalabas ko ng pinto ay sinagot ko ang tawag. Puro ugong ang naririnig ko, nasaan kaya si Kuya?
“Helloo, bunso. Kamusta?.”
Bakit ganon ang boses niya? Parang malat. Pasinghot singhot din siya.
“Ayos lang, Kuya. Ba't ganiyan boses mo? May sakit ka ba?."
“Oks na oks ako. Sinipon lang dahil naulanan.”
Napasimangot ako. Kahit kelan talaga 'to si Kuya pabaya. “Uminom ka na ba ng gamot? Alam ko na inaalagaan mo si Lolo pero sana namna huwag mong pabayaan sarili mo. Alam mo naman na------.”
“Oo na bunso. Promise, iinom ako ng gamot!.” pagpigil niya sa sinasabi ko na may kasama pang halakhak. “Ay, tumawag pala ako para sabihing pauwi na ako sa Lunes. Dumating na kasi si Tita Sel.”
Pauwi na siya? Waaaah! Nagningning ang mga mata ko sa tuwa. Sa wakas! May tagaluto na uli hehehehe.
“Mabuti naman, Kuya.“ ngiting ngiti pa ako.
“Miss na kaya kita---.”
“Sinong kausap mo?.” bungad ni Zero na kalalabas lang ng pinto. Napaawang ang bibig ko. Ba't ngayon pa siya lumabas?
“Sino 'yun bunso? Boses ng lalaki 'yun ah----."
“Nako, nasa labas kasi ako. Iba ang kausap nung lalaki, hindi ako! Nasaktuhan lang na malapit ako sa kaniya.” palusot ko habang nakatingin kay Zero, nakakunot ang noo niya at halatang naguguluhan. Sinenyasan ko siyang huwag maingay at huwag magsasalita.
“Ahhh, akala ko may boyfriend ka na eh. Bawal pa magboyfriend ha, uupakan ko manligaw sa'yo.”
Napangiwi ako. Nakaloudspeaker kasi 'yung phone ko kaya rinig din ni Zero. Nakacrossarm pa siya at talagang pinapakita na nakikinig siya. Buset talaga.
“Wala akong boyfriend, Kuya! Promise peksman, mamatay man ang nakatingin sa'kin ngayon.” ngumisi pa ako kay Zero.
“Sino bang nakatingin sa'yo?.”
“Kung sino sino lang, alam mo naman. Maganda ang lahi natin hihi.”
Nakita ko ang pagbabago sa mukha ko Zero. Sumama ang mukha niya at parang nandidiri pa! Aba't ang kapal ng mukha.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 28
Magsimula sa umpisa