“Os'ya sya! See you soon, take care. Imissyou, bunso.”
Napangiti naman ako. “See you soon, I miss you too!.”
Agad na namatay ang tawag. Pinameywangan ko agad si Zero na nakikichismis pa rin. Wala atang bumalik umalis. Myghad. Feel na feel pa ang pagsandal sa pader, akala mo naman kinagwapo niya 'yun. Mukha siyang mandedekwat sa kanto!
“Ayos ba tayo diyan?.” sarkastiko kong wika sa kaniya. Nagthumbs up pa ako sa kaniya.
“So you have a brother.” malamig ang boses na sabi niya. Napairap tuloy ako. Obvious naman, itatanong pa. Hayyy, wala talagang sense kausap 'tong si Zero. Hindi ko siya sinagot. Papasok nalang ako kesa kausapin ko siya. Baka mamaya saniban na naman siya ng kung ano mang eklabu, makalayo na ng mas maaga! ?
“Papasukin mo 'ko!.”
Mas hinarang niya pa ang katawan sa may pintuan. Inis na sinamaan ko siya ng tingin. Ano na naman kayang problema neto? “Hoy, papasukin mo ako!." Itinutulak ko siya pero ayaw niya talagang umalis sa daanan.
“Answer my question first.” aniya.
Question? Pinagsasasabi niya? May tanong pala siya?
“Anong tanong? Wala ka namang tinatanong!.” sigaw ko sa kaniya.
“I asked you if------.”
Naputol ang sinasabi niya nang tumunog uli ang phone ko. May natawag! Sinimangutan ko siya at saka lumayo sa kaniya. Mataray na ni'shoo' ko pa siya. Kaso hindi siya umalis o pumasok sa loob. May balak pa atang makinig. Punyemas talaga.
“Unknown number?.”
Sinagot ko 'yung tawag. Unknown number ang nakalagay. Nakakapagtaka nga e kasi wala naman akong pinagbigyan ng number ko. Si Lolo M at Spade lang.
“Helloo?.”
Hinintay kong magsalita ang nasa kabilang linya. May nariring ako pero hindi malinaw. Tunog ng tubig. Dagat?
“Georgina, right?.”
Nanlaki ang mata ko. Ang boses na ito.. Siya 'yun! 'Yung lalaking leader ng mga kulto! Napaawang ang bibig ko. Nakita ko naman na nacurious si Zero.
“A-anong..ikaw 'yun! Paano mo nakuha ang number ko?.”
May mga katanungan na namang nabubuo sa isipan ko. Nilapitan ako ni Zero at saka hinablot ang cellphone ko, magsasalita na sana ako pero niloudspeaker niya 'yung phone.
“I just used my connection, my dear.. ” sinundan niya pa ng tawa. “I'm glad you still remember me. You look awful noong una nating pagkikita.”
Putangina neto! I gritted my teeth. Naiinis ako! Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang number ko. Mas lalong naiinis ako dahil halatang may connection siya at kahit kelan ay pwede niya akong paglaruan.
Nakakunot ang noong hawak parin ni Zero ang phone ko. Inutusan niya akong magsalita. Napabuntong hininga naman ako.
“Mas maganda sana kung magpapakilala ka sa'kin. Para patas diba?.”
“Oh.. Mybad.”
Shet! Sasabihin niya kaya? Eto na ba 'yun makikilala ko na siya? Hinintay kong magsalita siya, katahimikan ang bumalot sa kabila. Wala pa atang balak magsalita. Ilang segundo ang lumipas pero hindi pa rin siya nagsasalita.
“Punyeta, anong petsa na?!." Iritang bulyaw ko sa nasa kabilang linya. Rinig namin ang halakhak niya. Napailing ako. Akala ata niya ay nakikipagbiruan ako.
“Sorry, I was just stunned by your beauty, sa pictures palang 'yon. Maganda ka palang talaga. Sayang hindi kita nakita ng malapitan noon..”
“Ulol! Huwag na huwag kang lalapit sa'kin babasagin ko mukha mo. Isa kang bias, unfair na leader ng mga kulto!.” sigaw ko sa inis.
Hindi naman ako sinisita ni Zero. Seryoso lang siyang nakikinig. Focus na focus pa. Samantalang ako ay nanggigigil na dito. Sanaol talaga kalmado.
“Kulto? Nah, hindi kami isang kulto. In fact, our main goal is to maintain the cleanliness and order sa Noblesse High. We're the punisher.”
Punisher? Cleanliness? Order? Wow.
“Oh, please. Matagal ng nawala ang kaayusan sa Noblesse High ng pinairal niyo ang pagiging bias niyo!.”
“Galit ka parin ba sa pambabato na ginawa namin sa'yo? Pagpasensyahan mo na.” tumigil siya ng konti sa pagsasalita.
“Oh, too bad. I have to go. I'll talk to you again, Georgina. Pakisabi na rin sa mga kaklase mo na hindi pa kami tapos.”
“Anong---Syet! Namatay na, Grr. Sino 'yun? Kilala mo ba?Bakit sinabi niyang hindi pa daw kayo tapos?. ” tanong ko kay Zero. Hawak hawak niya parin ang cellphone ko, pinakatitigan ang numerong tumawag sa'kin.
“You're dead.” tanging nasabi niya.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 28
Magsimula sa umpisa