抖阴社区

                                    

“10 years na siya sa Noblesse High, eversince Math na talaga ang subject na itinuturo niya. He was known for being strict.” Si Spade ang nagpaliwanag, napatango tango naman ako.

“NAGPAPASUHOL SIYA?!”

Ehh?

Napalingon ako kay Wavin ng magsalita siya. Full volume na naman siya. Nakatingin siya sa folder na hawak niya. Sinilip ko kung anong page siya.

Nasa likod pala!

Binuklat ko sa pangalawang page. Nakalagay don ang mga katiwalian na ginawa ni Mr. Aguilla sa loob ng Noblesse High.

“Obviously.” preskong sagot ni Zero kay Wavin.

“HINDI AKO UPDATED!” nakasimangot pa si Wavin. Binalingan naman siya ni Tim.

“Paano mo malalaman, palagi ka kayang galit!”

“HAHH?!”

Napailing nalang ako.

Hindi ang kaabnoyan nilang dalawa ang kelangan ko. Kelangan ko ng sagot sa tanong ko!

“Bakit siya nagpapasuhol? Sinong nagsusuhol? Kelan nagsimula? Alam ba 'yon ng nakakataas?” sunod sunod kong tanong.

Hindi ko na talaga mapigilan ang bunganga ko, curious na curious na talaga ako! Nakita ko naman ang pagbabago sa expression ni Spade.

“Sinusuhulan siya ng parents ng mga estudyanteng bumagsak sa subject niya..Ofcourse, alam ng nakakataas. They just ignored it. Hinayaan lang na ganon ang gawin ni Mr. Aguilla.”

“Nalimutan ko bias at unfair nga pala sila.”

“It all started last year and it seems that sinasadya niyang ibagsak ang student para magkapera siya.”

Napaayos ako ng upo. Last year lang pala siya nagsimulang tumanggap ng suhol.

“Hindi tama 'yung ginagawa ni Sir Aguilla dapat..dapat matigil 'yon!”

Ginawang negosyo, amp. Grabehan.

“Yeah, dapat talagang matigil. Lalo pa't naging professor niyo siya.” sagot ni Spade.

“There's a great probability that it'll happen to us. He'll surely used that method.” ani Archer.

Naoatayo ako. “Hindi ako papayag! Hindi tama 'yung ginagawa niya. Nagaaral tayo ng mabuti tapos balak niyang ibagsak para pagkaperahan?”

“George, kalma.”

Pilit akong pinapaupo ni Tim pero ayokong umupo.

“Hindi lang si Aguilla ang tumatanggap ng suhol, ganon din si Leona.”

Leona? Si Ms. Leona na English teacher namin? Ang bait bait non, ih. Hindi ako makapaniwala!

“So, what are we gonna do?” tanong ni Archer.

“Ano ngang gagawin niyo?” tila nanghahamon pa ang boses ni Lolo M. Siguro tinatry niya kung paano namin masusulusyunan ng kami lang ang ganitong klaseng problema.

Gusto kong sumagot! Kaso anong isasagot ko?

“Nothing.”

Napamaang ako sa sagot ni Zero. Talagang proud pa siya sa sagot niya.

“Bakit wala?”

“Nothing for now.” paguulit niya, may diin ang bawat salita niya. Parang inuutusan niya akong manahimik.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon