“Kuyaaaa, tara naa.”
Hinigit ko 'yung braso nya paalis pero ayaw patinag. Buset. Ano ba 'to.
“Kaya naman pala basura ang ugali, kuya mo naman pala. Pfftt, hindi na ako nagtataka.”
Manahimik ka, Olyvia!
“Nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin? If not, look at yourself in the mirror first. Stop saying things that are really meant for yourself.” bwelta ni Kuya, nakakuyom parin ang kamao nya.
Napa'oohh' pa ang mga kaklase kong lalaki. Hindi naman ako mapakali sa paghila kay Kuya paalis, grabe ayaw patinag. Muntik pa akong matumba kakahigit sa kanya. Buti nahawakan nya ako agad. Kundi kahiya hiya. Sakit na nga ng puso ko pati ba naman ng katawan?
“I hate you both!!” biglang sigaw ni Corine.
Tiningnan ko siya sa mata.
I hate you too. Wala na nga ding mapaglagyan 'yung inis ko sa kanya. Gusto ko na siyang labanan pero wala pa akong lakas ng loob para labanan siya.
“We hate you!” sabay sabay na sigaw ng tatlong sina Mindy, Olyvia at Corine. Ganap na ganap na mean girls.
Rinig na rinig sa buong auditorium ang mga boses nila. Medyo nagulat pa sila nung una. Ngayon lang nila napansin na pinapanood na kami ng lahat.
“Tama na!” sigaw ni Lolo M, medyo pinagirly nya 'yung boses nya. Mukha syang stress na stress ngayon. Gusto ko tuloy syang pauwiin bigla.
Si Kuya naman ang binalingan ko, ang tigas ng ulo kahit kelan.
“Umuwi na tayo. Kahit ngayon lang makinig ka sa'kin. Please.”
Hinigit higit ko 'yung laylayan ng damit nya pati na ang braso nya pero hindi parin ako nililingon. Alam ko na galit siya. Nagagalit siya sa'kin. Nagagalit siya para sa'kin.
“Ano bang ginawa ng kapatid ko? Ninakawan ba kayo? Siniraan? Ginawan ng masama?”
“Kuya.”
Ano bang sinasabi nya. Juskoo. Mangiyak ngiyak ko siyang tiningnan. Huwag mo kong paiyakin! Napayuko nalang ako.
“Marami! Mahilig siyang manghimasok, pakialamera, bida bida!” bigla ay sigaw ni Mindy.
“Oh, sorry for that then. She always has this spotlight in her. She's unique, you know."
Spotlight?
Tiningnan ko si Kuya, nakasmirk siya sa kanila. Habang hindi makapaniwalang tinitingnan naman sya nung mga mean girl. Hindi ko maiwasang maoverwhelm sa sinabi nya.
“Bida bida siya? Pakielamara? To tell you the truth, isa 'yun sa ugali nya na gusto ko. She saves someone's day just by being herself.”
Awww. Mangiyak ngiyak na tiningnan ko si Kuya. Saktong tumingin din siya sa'kin. “And I'm proud of her.” Nginitian nya ako after sabihin 'yun. Namuo tuloy ng tuluyan ang mga luha ko. Buset 'tong si Kuya pinapaiyak ako.
“Awww.”
“Sanaol kay George."
“Namiss ko tuloy si Kuya."
Side comment ulit ng nga itlogz at Noblesse High 4th year student. Live nga pala kami. Pinunasan ko ang luha ko.
“Arrrghhhh! The hell?!”
Shet. Nagdadabog na sya.
“Class Z.” napaharap ako sa stage nang magsalita 'yung Filipino Prof namin. Nakangiti siya pero halatang plastik 'yung ngiti.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 47
Magsimula sa umpisa