抖阴社区

                                    

“Don't worry, kaya ko 'to!”

“Goodluck. I'll cheer for you.” tila sumusukong anya.

Nginitian ko sya. Buti nalang talaga nandyan si kuya. Sya lang talaga nagpapalakas ng loob ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kung wala sya dito.

Nakasalubong ko si Gray paakyat sa stage. Medyo lumapit sya sa'kin at saka bumulong ng 'Goodluck'. Medyo natuwa ako kahit papaano pero hindi parin nawala ang inis ko sa kanila. Puro negative comments nalang ang nadaanan ko buti naligaw si Gray.

You're here.” bungad ni Archer sa'kin.

Hindi ko sya pinansin. Kala niya, tsk. Pumwesto ako sa may gilid medyo malayo sa kanila. Team kami pero individual lang 'tong sa'kin. Syempre, hindi ko sila aasahan. Sasagot ako ng akin.

“A-ano ba!”

Pilit kong inaalis ang braso ni Zero na nakaakbay sa'kin. Lumapit talaga sya sa'kin tapos bigla akong inakbayan. Nakaisip na naman siguro ng kabaliwan. Kadiri ha. Ayaw tanggalin ang kamay. Buset.

Dinala nya ako sa pwesto nila, sa may gitna nya ako pinwesto. Napasimangot agad ako dahil kaharap ko si Yvo. Isa pa'y hindi parin tinatanggal ni Zero 'yung pagkakaakbay nya sa'kin. Naririnig ko tuloy na sumisigaw si Kuya pati na ang boses ng iba.

“Let's start. Heads or tails?" Tanong nung host sa grupo namin at sa grupo ng Class A.

Walang ganang tumingin lang ako sa sahig. Bahala na silang pumili, malaki na sila. Tsaka kinakabahan ako ng sobra. Hindi ko kering sumagot. Namamawis pa ang kamay ko. Idagdag pa 'tong buset na Zero na 'to, ayaw alisin 'yung pagkakaakbay nya sa'kin.

“Head.” sagot ni Yvo.

“No choice, tails." Sagot naman ni Zero.

Ibinato na nung host 'yung barya sa ere at saka sinalo. Pinakita nya samin 'yun at..

“Heads! Class A kayo ang mauunang pumili ng side.”

Kinakabahan talaga ako. Anong sasabihin ko? Paano kung magkandautal utal ako? Kung pwede ko lang hiramin ang utak ni Kuya. Sila pa ang mauunang pumili.

“You're shaking.” malamig ang boses na ani Zero.

Nanlalaki ang matang tiningnan ko sya. Sobrang lapit ng mukha nya sa may tenga ko. Binulungan nya ako na dapat hindi nya ginawa! Gusto ko biglang maligo sa alcohol.

“Tumahimik ka. Hindi ako nanginginig. Pakialis na ng braso mo.”

Putanginams neto. Kung hindi ka nga naman manggigil.

“Ayoko.” aniya, seryoso parin ang boses nya pero halata na don na nangaasar din sya. Medyo inilapit nya pa uli 'yung mukha nya sa may tenga ko para bumulong.

“Tanggalin mo na, impakto ka!” gigil ko na ding bulong kay Zero.

“I said I don't want."

Nakakagigil talaga 'tong impakto na 'to! Hinarap ko sya pero wrong move pala. Ang lapit ng mukha nya sa'kin. Konti nalang magtatama na 'yung mga ilong namin.

Dugdugdug.

Putanginams! Ba't kumakabog ang puso ko? Ba't ako kinakabahan?

“Ehem. We're on a debate, pinapaalala ko lang."

Agad na iniwas ko ang tingin kay Zero. Pilit ko din inaalis 'yung braso nya. Kaso ayaw talagang magpatinag.

“Eto 'yung pagdedebatehan niyo.” pagagaw pansin nung Filipino prof namin.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon